Koko: Tapusin na ang pamamayagpag ng killer tandems!

SUPORTADO ng ibat-ibang sektor at maging mga anticrime advocates ang desisyon ni Pangulong Digong Duterte na ibigay sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang buong responsibilidad ng pagsugpo at paglutas sa problema ng iligal na droga sa bansa.

Marami ang naniniwala na dahil sa pag-alis ni Digong sa Philippine National Police (PNP) sa kampanya laban sa illegal drugs ay magiging daan ito para manumbalik ang katahimikan at mabibigyang pansin na rin ang walang habas na patayan na kinasasangkutan ng mga kriminal na riding-in- tandem.

 

Koko vs Bato

Matatandaan na kamakailan ay mariing kinondena ni Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III si PNP Director General Ronald ‘Bato” dela Rosa dahil sa kabiguan nitong putulin ang pamamayagpag ng naka-motorsiklong salarin na walang pakundangan kung pumatay ng mga tao.

Partikular na nagalit si Koko sa kaso ng pamamaslang ng riding-in –tandem kay Puerto Galera Councilor Melchor Arago at sa 15 taong gulang niyang anak na lalaki noong Oktobre 3. 

Inalmahan naman ni dela Rosa ang pahayag ni Koko, sa pagsasabing kailangang ang mga mamamayan mismo ang dapat tanungin ng senador kung mas tahimik ba ngayon kumpara noong nakaraang mga panahon at administrasyon.  

Sinabi ni Koko na paano sasabihin ni dela Rosa na mas tahimik ngayon kung sunod-sunod ang patayan at ang malubha pa rito ay tila walang magawa ang kapulisan para hulihin at sampahan ng kaso ang mga killer riding-in-tandems.

 

Hamon sa PNP

At kasunod nga ng hakbang ni Digong na ibigay na sa PDEA ang laban kontra sa bawal na droga ay hinamon ni Koko at ibang mga senador tulad ni Sen. Ping Lacson si dela Rosa na tapusin na ang problema sa mga riding-in-tandems.

“Ngayong hindi na sila pangunahing lumalaban sa droga, inaasahan natin na mas mapagtutuunan na ng kapulisan ang pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan ng ating mga pamayanan” wika ni Koko. 

“At pangunahing dapat nilang sugpuin ang mga riding-in tandem na walang pakundangan kung pumatay kahit maging mga inosenteng kabataan” dagdag pa niya.      

 

Mga Kaso ng Pag-Atake

Sa mga huling insidente ng pag-atake ng mga riding-in-tandem, isang pulis na nakatala¬ga sa National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang binaril at napatay ng riding in tandem, Lunes ng umaga sa Sampaloc, Maynila.

Kinilala ang biktima na si PO2 Joey Imperial, 45,  na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa dibdib at braso.

Batay sa imbestigasyon ng Manila Police District- Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas- 6:45 ng umaga sa harap mismo ng bahay ni Imperial.

Nabatid na nagbabasa ng dyaryo ang biktima nang lapitan at barilin ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo.

Sa kabila ng tama  ng baril sa katawan, nagawa pang manlaban ng biktima at tumakbo sa loob ng bahay subalit sinundan pa rin siya ng mga suspek.

Dito na sinundan ng isa pang putok ang biktima kung saan tumakas naman ang mga salarin.

Sa isa pang kaso ng pamamaslang, napatay din ng mga hindi kilalang riding-in-tandem ang isang negos¬yanteng babaing doktor matapos itong barilin sa kahabaan ng Go¬vernor Gutierrez Avenue sa Barangay Rosary Heights 9, Cotabato City, Maguindanao. 

Kinilala ang biktimang si Dr. Amalia Señada Gutierrez na mas kilala sa tawag na Doc Amy, hiwalay sa asawa at residente ng nasabing lugar. 

Sinabi ni Chief Insp. Reynaldo Delatien, precinct 2 commander na naganap ang insidente bandang alas-4 ng hapon habang nasa labas ng  bahay ang biktima sakay ng Ford Everest (KEL 921) kasama ng driver nitong si Alexander Garnatas Cuanan, ng bigla siyang lapitan at barilin ng mga salarin.

Tulad ng iba pang kaso ng mga patayan ay malaya ring nakatakas ang mga kriminal.

 

Like us in Facebook

Features

Latest News

Govt’s cash use hits 97%

    By Rose de la Cruz   While the previous administration opted to under-spend—thereby sacrificing basic social services and infrastructure... Read More...
New law to make financing more inclusive, says Pernia

      By Rose de la Cruz   Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia said government has put in place interventions to address financing... Read More...
Bong still unsure of Senate run

Should he stay or should he go?  This is the question that Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go is trying to answer and... Read More...
IMAGE In the know: Solar Philippines

Solar Philippines is currently the country’s – and Southeast Asia’s – largest solar-energy company. Founded in August 2013 by Leandro... Read More...
Stupid Name Giver and Other Laughs

Stupid Name Giver Late one night, a burglar broke into a house. While he was sneaking around he heard a voice say, "Jesús is watching you."  He... Read More...
Confession Code and other laughs

Confession Code AN old priest who became sick of all the people in his parish who kept confessing to adultery said one Sunday, in the pulpit,"If I... Read More...
IMAGE DISIPLINA SA BORACAY

MARAMI na ang nagaabang sa muling pagbubukas ng Boracay Island sa mga turista ngayong darating na Oktobre 26. Bagamat marami ang umangal noong unang... Read More...
IMAGE SALAMAT SA MGA OFWs

PATULOY ang pagtaas ng inflation rate sa bansa na base sa pagtataya ng mga eksperto ay maaari pang sumipa ng mas mataas ngayong buwan ng Setyembre... Read More...

Our Guests

Today592
Yesterday812
This week4947
This month15497
Total1076064

Visitor Info

  • Your IP: 54.80.188.87

Who Is Online

19
Online

Friday, 19 October 2018
© 2016 OpinYon News Magazine Online. All Rights Reserved.

Please publish modules in offcanvas position.