Dapat may managot sa isyu ng Dengvaxia

LIBO-libong magulang ang nangangamba ngayon matapos pumutok ang balita hinggil sa panganib na dulot ng anti-dengue vaccine na Dengvaxia sa mga batang nabakunahan ng nasabing gamot kahit hindi pa sila nagkakaroon ng sakit na dengue.
Dangan kasi ay naobliga ang Department of Health (DOH) na suspendihin ang P3.5-billion dengue immunization program na ito matapos magbabala ang manufacturer nito na Sanofi Pasteur hinggil sa panganib na dulot ng nasabing gamot.
Partikular na sinabi ng Sanofi na malaki ang posibilidad na mas magiging malubha ang kondisyon ng isang pasyenteng nabigyan ng vaccine kung ginawa ito bago siya magkaroon ng dengue.
Base sa mga huling ulat ay hindi bababa sa 733,000 mga kabataang mag-aaral ang nabigyan ng vaccination ng Dengvaxia kaugnay ng programang kontra-dengue ng nakaraang administrasyong Aquino.
Mas higit pang naging kumplikado ang sitwasyon ng ipahiwatig ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na maaaring nababalot ng anomalya ang anti-dengue project na ito ng nakaraang administrasyon.
Ibig sabihin bagamat maganda ang intensyon ng nakaraang administrasyon na labanan ang nakamamatay na sakit na ito, maaaring ginawa ito dahil may mga taong kumita mula sa multi-bilyong kontrata kaakibat ng programa.
Dahil dito ay malamang na minadali ang proseso at maaring dahilan kung bakit hindi na dumaan sa kinakailangang dagdag na mga pagsusuri at lab tests ang gamot bago ito inilabas sa merkado.
Nagmistula tuloy na ginawang guinea pig ang mahigit 700 libong mga kabataang pinoy na binakunahan ng Dengvaxia.
Kung totoo ang hinala nina Aguirre na may mga kumita nga sa nasabing programa dapat lamang na maparusahan kung sino man sila.
Kasuklam-suklam kasi ang ginawa nila sapagkat hindi man lang isinaalang-alang ang kapakanan ng mga inosenteng kabataan kapalit ng pera.
Ang mas importante pang tanong ay ano ngayon ang mangyayari sa mga kabataang biktima at anong rehabilitation program ang gagawin sa kanila sakali ngang magkaroon ng masamang epekto sa kanilang kalusugan ang nasabing bakuna?
Dapat ngayon pa lang ay paghandaan na nang pamahalaan ang nakaambang public health problem na ito at kasabay nito ay maparusahan na rin ang mga dapat managot sa nakakasukang scam na ito.

Like us in Facebook

Features

Latest News

NEDA Cites Need for a Stronger Planning Culture in Government

    To ensure optimum use of scarce human and financial resources, the government must have a stronger culture of planning to fully synchronize... Read More...
NEDA Calls for Innovation-led Industrial Policy

  An industrial policy propelled by innovation is needed to drive the country’s manufacturing growth amid the bleak near-term outlook of the... Read More...
Bong still unsure of Senate run

Should he stay or should he go?  This is the question that Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go is trying to answer and... Read More...
IMAGE In the know: Solar Philippines

Solar Philippines is currently the country’s – and Southeast Asia’s – largest solar-energy company. Founded in August 2013 by Leandro... Read More...
Stupid Name Giver and Other Laughs

Stupid Name Giver Late one night, a burglar broke into a house. While he was sneaking around he heard a voice say, "Jesús is watching you."  He... Read More...
Confession Code and other laughs

Confession Code AN old priest who became sick of all the people in his parish who kept confessing to adultery said one Sunday, in the pulpit,"If I... Read More...
IMAGE A DELICATE BALANCE

Photo courtesy of Top Gear Philippines Officials of motorcycle-sharing service company Angkas must be grinning all the way to the bank. After a... Read More...
IMAGE TULOY ANG LABAN SA DENGVAXIA

MABUTI naman at tuluyan ng nagpasiya ang pamahalaan na sampahan ng karampatang kaso ang mga sangkot sa kontrobersyal na Dengvaxia anti-dengue... Read More...

Our Guests

Today1018
Yesterday1142
This week3135
This month20064
Total1465238

Visitor Info

  • Your IP: 3.229.142.175

Who Is Online

28
Online

Tuesday, 21 January 2020
© 2016 OpinYon News Magazine Online. All Rights Reserved.

Please publish modules in offcanvas position.