MAY PUNTO SI PING

BIHIRA na lang ang mga opisyales ng ating pamahalaan lalo’t higit ang mga miyembro ng Kamara at Senado na masasabing matitino at hindi hinahayaang tuluyang balutin ng pulitika ang kanilang sistema.

Sa halip ay pinaiiral nila ang pagiging objective at laging inuuna nila ang kapakanan at interes ng taumbayan.

Kaya naman kapag nagsalita sila ay dapat pakinggan at bigyang pansin sapagkat tiyak na may sustansya at kabuluhan ang kanilang mga sinasabi.

At kabilang sa kanila si Sen. Panfilo ‘Ping’ Lacson na kamakailan ay ipinanukala na dapat ng bawasan ng gobyerno ang mga ibinibigay na VAT exemptions sa mga malalaking korporasyon.

Sinabi rin Ping na kailangang ibalik mula sa kasalukuyang 12 percent ang VAT na sinisingil sa 10 porsiyento subalit kailangang bawasan ang mga exemptions na binibigay sa mga malalaking kumpanya.

Idinagdag pa ng senador na ang bansa ay may 143 VAT exemptions na isa sa pinakamataas sa Southeast Asia na isa sa dahilan kung bakit di makaangat ang ating ekonomiya. 

Sa ibang bansa aniya tulad ay konti lang ang VAT exemption tulad sa Indonesia na may 37, Thailand,35, Vietnam, 25 at Malaysia, 14.

Para sa akin ay napapanahon ang panukalang ito ni Ping sapagkat sa matagal ng panahon ay sobrang nagpasarap na nang husto ang mga malalaking korporasyon sa mga tax perks na binibigay ng gobyerno.

Ang resulta tuloy ay habang patuloy silang umuunlad at yumayaman ay hindi naman naman nakikinabang ang pamahalaan sa pamamagitan ng pagbabayad nila nang tamang buwis.

Ang buwis sanang masisingil sa kanila ay malaki ang maitutulong para sa pagpapagawa ng mga proyektong pambayan at delivery ng basic services.

Pero dahil nga sa dami nang tax exemptions ay halos wala na ring nasisingil sa mga korporasyon na siyang dahilan kung bakit hindi umaangat ang ating ekonomiya.

Tinatantiya ni Ping na kung ibabalik sa 10% ang VAT at walang exemptions ay maaring maka-kolekta ng P1.7 trilyon ang pamahalaan base sa tinatayang  2018 gross domestic product (GDP) na aabot sa P17.7 trillion.

Hindi pa kasama diyan ang makokolekta mula sa income tax, excise tax at customs duties.

Sabi nga ni Ping pag nangyari iyon malamang surplus pa tayo at hindi na kailangang mangutang.

Saludo tayo kay Ping sapagkat sa kabila ng gulo sa pulitika ay iyong mga matitinong panukala pa rin ang kanyang pinagtutuunan ng pansin.

Like us in Facebook

Features

Latest News

International reserves rise to $82.9-B in end-February 2019

        Preliminary data shows that the country’s gross international reserves (GIR) rose to $82.9 billion as of end-February 2019 from... Read More...
UBS holds first market forum in the Phls.

    By Rose de la Cruz   Swiss-based UBS investment bank is vigorously marketing the Philippines to foreign investors by holding its first market... Read More...
Bong still unsure of Senate run

Should he stay or should he go?  This is the question that Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go is trying to answer and... Read More...
IMAGE In the know: Solar Philippines

Solar Philippines is currently the country’s – and Southeast Asia’s – largest solar-energy company. Founded in August 2013 by Leandro... Read More...
Stupid Name Giver and Other Laughs

Stupid Name Giver Late one night, a burglar broke into a house. While he was sneaking around he heard a voice say, "Jesús is watching you."  He... Read More...
Confession Code and other laughs

Confession Code AN old priest who became sick of all the people in his parish who kept confessing to adultery said one Sunday, in the pulpit,"If I... Read More...
IMAGE A DELICATE BALANCE

Photo courtesy of Top Gear Philippines Officials of motorcycle-sharing service company Angkas must be grinning all the way to the bank. After a... Read More...
IMAGE TULOY ANG LABAN SA DENGVAXIA

MABUTI naman at tuluyan ng nagpasiya ang pamahalaan na sampahan ng karampatang kaso ang mga sangkot sa kontrobersyal na Dengvaxia anti-dengue... Read More...

Our Guests

Today61
Yesterday1027
This week4083
This month20040
Total1206220

Visitor Info

  • Your IP: 52.206.226.77

Who Is Online

18
Online

Thursday, 21 March 2019
© 2016 OpinYon News Magazine Online. All Rights Reserved.

Please publish modules in offcanvas position.