Karma sa LP?

Guhit ni Ed Rompal

HINDI talaga mapapasubalian ang mga katotohanan na nasusulat sa Banal na Aklat.

Gaya na lang halimbawa nang nakasaad sa Matthew 7: 12 na tinatawag din ng mga bible scholars na Golden Rule.

Sa nasabing talata ay hinikayat ng Panginoong Hesukristo ang mga mga tagasunod niya na “na gawin nila sa kapwa nila ang gusto rin naman nilang gawin sa kanila ng kanilang kapwa”.

Sa madaling salita puwede rin itong ipakahulugan sa kawikaang ‘huwag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin nila sa iyo”.

Naalala ko ang mga kasabihang ito dahil na rin sa isang balita kung saan ay sinabi ni Liberal Party Sen. Francis “Kiko” Pangilinan, na kaduda-duda ang ginawang pagsasampa ng kasong plunder sa mga dating miyembro ng nakaraang Aquino administration.

Ang plunder case ay isinampa laban kina dating Transportation and Communication Secretaries Mar Roxas at Joseph Abaya , Finance Secretary Cesar Purisima at maraming iba pa dahil sa mga maanomalyang kontratang pinasok umano nila kaugnay ng maintenance ng Metro Rail Transit 3 (MRT-3). 

Ipinahiwatig kasi ni Pangilinan na mukhang may ‘cover up’ o pinagtatakpan lang ang kasalukuyang administrasyon kung kaya’t naisampa ang kasong pandarambong laban sa mga dati niyang kakampi.

Sinabi Pangilinan na bakit daw kailangang ipursigi ang mga kaso laban sa kanyang mga kakampi samantalang maraming iba pang kasong dapat unahin na kinasasangkutan ng mga tauhan ng kasalukuyang gobyerno.

Ginawa niyang halimbawa ang kaso ni Supt. Marvin Marcos at mga kasama niyang pulis na inaakusahan ng murder kaugnay ng pagpatay kay dating Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr.

Sa halip aniya na makulong ay na-promote pa si Marcos at ganoon din aniya sina dating Customs officials Gerardo Gambala at Milo Maestrecampo, na bagamat hindi pa abswelto sa kaso ng natuklasang P6.4-B shabu ay inilipat lang sa ibang ahensiya ng pamahalaan.

Sinabi pa ni Pangilinan na maliwanag aniya na kapag kakampi ng administrasyon ay hindi pinaparusahan subalit kapag kalaban na katulad nila ay agad na hinahabol at inaasunto ng gobyerno.

Natatawa talaga ako sa obserbasyong ito sapagkat tila ibinabalik ni Kiko ang akusasyon sa kanila noong panahong sila pa ang nasa kapangyarihan.

Hindi ba’t inakusahan din sila noon ng mga taga oposisyon, lalo na iyong nasangkot sa pork barrel scam kasama ni Janet Napoles na tanging mga kalaban sa pulitika lang ang kinakasuhan samantalang iyong mga kakampi nila ay hayahay lang ang buhay?

Kaya naman maliwanag na nagkatotoo nga ang kasabihan na ‘huwag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin nila sa iyo’.

Sabi nga ni Kuya Kim , ‘ang buhay ay weather, weather lang’ .

 

Like us in Facebook

Features

Latest News

NEDA sees sustained manufacturing growth in Q4

    By Rose de la Cruz     With a strong consumer demand and an optimistic business outlook, the growth of factory output will be sustained for... Read More...
Romero pushes for national fuel reserves strategy

    By Rose de la Cruz   Even as fuel prices in the world have plunged to below $50 a barrel (from its peak several months ago of over $60 per... Read More...
Bong still unsure of Senate run

Should he stay or should he go?  This is the question that Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go is trying to answer and... Read More...
IMAGE In the know: Solar Philippines

Solar Philippines is currently the country’s – and Southeast Asia’s – largest solar-energy company. Founded in August 2013 by Leandro... Read More...
Stupid Name Giver and Other Laughs

Stupid Name Giver Late one night, a burglar broke into a house. While he was sneaking around he heard a voice say, "Jesús is watching you."  He... Read More...
Confession Code and other laughs

Confession Code AN old priest who became sick of all the people in his parish who kept confessing to adultery said one Sunday, in the pulpit,"If I... Read More...
IMAGE TULOY ANG LABAN SA DENGVAXIA

MABUTI naman at tuluyan ng nagpasiya ang pamahalaan na sampahan ng karampatang kaso ang mga sangkot sa kontrobersyal na Dengvaxia anti-dengue... Read More...
IMAGE PRICE CONTROL SA BIGAS

MABUTI naman at mukhang natauhan na ang mga responsableng opisyal ng pamahalaan at naisip na nila ang pinakamabisang panlaban para pigilan ang walang... Read More...

Our Guests

Today303
Yesterday1451
This week3563
This month10345
Total1121236

Visitor Info

  • Your IP: 3.80.177.176

Who Is Online

31
Online

Wednesday, 12 December 2018
© 2016 OpinYon News Magazine Online. All Rights Reserved.

Please publish modules in offcanvas position.