P8.7-B right of way scam sa GenSan, nabuking

Print

KASALUKUYANG iniimbestigahan ng mga operatiba nang National Bureau of Investigation (NBI) ang natuklasang P8.7 billion right of way scam sa General Santos City na kinasasangkutan umano ng ilang mga matataas na opisyal noong administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Nais ng NBI na mapalakas ang kaso laban sa mga sangkot na kinabibilangan umano nina dating Public Works Secretary Rogelio Singson at dating Budget Sec. Florencio Abad.

Sinabi ng isang source mula sa NBI na  may hawak na silang sinumpaang salaysay ng ilang testigo na sangkot mismo sa sindikato.

Ayon sa dokumento, si Singson umano ang nag-apruba at nag-request ng release ng bayad para sa pekeng road right of way (RROW) at si Abad naman umano ang nag-apruba ng pagpapalabas ng pondo para doon. 

Maliban kay Abad at Singson, sangkot din daw sa scam sina Wilma Mamburam, Col. Chino Mamburan, Merceditas Dumlao at Nelson Ti na financier umano ng grupo.