“Marital Rape,” Krimen na sa India

Larawan mula sa Al Jazeera

ISA nang krimen sa bansang India ang pakikipagtalik ng isang lalaki sa kaniyang asawang wala pa sa hustong gulang, ayon sa kanilang pinakamataas na hukuman.

Sa desisyong inilabas ng Korte Suprema ng India noon, maituturing ng krimen sa India ang pakikipagtalik sa mga babaeng edad 17 pababa, kahit na mag-asawa ang babae at lalaki.

Idineklara rin ng mataas na hukuman na edad 18 ang dapat na maging “age of consent” sa India, taliwas sa naunang mga batas na nagsasabing hindi rape ang pakikipagtalik sa isang babae sa edad na 15 hanggang 18.

Inilabas ng Korte Suprema ng India ang nasabing desisyon kasunod ng isinampang kaso ng Independent Thought, isang non-government organization sa India, na naglalayong pigilan ang talamak na “child marriage” sa naturang bansa. 

Matagal nang tinutulan ng pamahalaan ng India ang pagsasakrimen ng “marital rape” dahil magdudulot umano ito ng pangha-harass ng mga babae sa kani-kanilang mga asawa.

 

Child Marriage

Mahigit 7.5 milyong babaing kabataan ang pumapasok sa maagang pag-aasawa o child marriage kada taon, batay sa datos ng World Bank at ng Save The Children, isang NGO.

Katumbas ito ng 20,000 kabataang babae na maagang ikinakasal kada araw, ayon sa WB.

Kabilang ang India sa sampung mga bansa sa mundo kung saan mataas ang bilang ng child marriages, kasama ang Burkina Faso, Chad, Guinea, Niger at South Sudan.

Pangunahing dahilan ng patuloy na pamamayagpag ng child marriage ang matinding kahirapan,kulturang patriarkal at relihiyosong tradisyon na umiiral sa ilang mga bansa, at ang mahinang pagpapatupad ng mga batas kontra child marriage. 

Hindi lamang umano natitigil ang edukasyon ng mga kabataang pumapasok sa mga child marriage, nalalantad din umano sila sa mga sakit dulot ng maagang pagbubuntis maliban pa sa pang-aabusong pisikal at seksuwal, ayon kay Helle Thorning-Schmidt, pinuno ng Save the Children. (Gulf News)

 

Like us in Facebook

Features

Latest News

NEDA wants stronger push for exports

    By Rose de la Cruz     The National Economic and Development Authority wants a stronger and more aggressive push for Philippine exports to... Read More...
Japan remains top ODA source

    By Rose de la Cruz   Japan continues to be the main source of official development assistance of the Philippine government, where... Read More...
Bong still unsure of Senate run

Should he stay or should he go?  This is the question that Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go is trying to answer and... Read More...
IMAGE In the know: Solar Philippines

Solar Philippines is currently the country’s – and Southeast Asia’s – largest solar-energy company. Founded in August 2013 by Leandro... Read More...
Wrong Dream Girl and Other Laughs

Wrong Dream GirlA FROG telephones the Psychic Hotline. His Personal Psychic Advisor tells him, "You are going to meet a beautiful young girl who will... Read More...
Confession Code and other laughs

Confession Code AN old priest who became sick of all the people in his parish who kept confessing to adultery said one Sunday, in the pulpit,"If I... Read More...
IMAGE PAGIGING MAKABAYAN

KAMAKAILAN ay tumawag ng atensyon ang plano ni Sen. Manny Pacquiao na maghain ng panukalang batas na naglalayon na isama bilang bahagi ng curriculum... Read More...
IMAGE PUTULIN ANG MONOPOLYO NG MERALCO!

SUPORTADO nang ibat-ibang consumer group kabilang na ang Institute for Consumer Research and Empowerment (ICORE) ang panukalang dapat putulin na ang... Read More...

Our Guests

Today56
Yesterday704
This week5419
This month14129
Total1028733

Visitor Info

  • Your IP: 54.198.96.198

Who Is Online

21
Online

Sunday, 19 August 2018
© 2016 OpinYon News Magazine Online. All Rights Reserved.

Please publish modules in offcanvas position.