Kuya Kim, tatlong iba pa, muntik nang mabaril

NANGINGINIG sa pagaalala si Rep, Lito Atienza ng Buhay Hayaang Yumabong (BUHAY) Partylist nang muntik nang maging biktima ng pamamaril ang kanyang anak na si Kim, isang kilalang brodkaster na kilala sa tawag na “Kuya Kim”.

Isang biking enthusiast, si Kuya Kim Atienza at mga kasama nito ay nasa nakagawiang pagbibisikleta sa highway ng Sta. Rosa, Laguna nang tigilan ito ng isang lalaki at galit na tinutukan siya ng baril.

“My son Kim, and his group were just cycling and exercising along the highways of Laguna, biglang may um-overtake na kotse, galit na galit. Binabaan sila tinutukan ng baril sa mukha lahat,” ayon sa dating Manila mayor.

Sa kanilang pagsisiyasat, nag-overtake ang mga siklista sa kotse minamaneho ng lalaki. Iniharang niya ang kotse sa mga bikers, bumaba ito at tinutukan ng baril si Kuya Kim at ang kanyang mga kasamahan.

Napag-alamang ang lalaki ay isang pulis coronel na naka-assign sa Laguna. Hindi na rin muna tinukoy ang plaka at modelo ng kotseng minamaneho nito habang iniimbistigahan ang kaso. 

Ang takot ng nakatatandang Atienza ay kung sakaling pagbabarilin ay posibleng taniman ito ng ebidensya at gawing drug adik ang kanyang anak.

“Sakaling binaril sila Kim, lalagyan lang sila du’n ng droga, a sachet of shabu, and say they are all drug suspects,” ani ng representante. 

Diin pa niya, hindi lamang ang mga pulis ang nasasangkot sa araw-araw at gabi-gabing pagpatay sa mga pinaghihinalaang sangkot sa iligal na droga kundi ang mga vigilantes.

Nagpakita ng interes sa kaso si House Minority Leader Danilo Suarez at nagutos nang malaliman pang imbestigasyon.

Like us in Facebook

Features

Latest News

New law to make financing more inclusive, says Pernia

      By Rose de la Cruz   Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia said government has put in place interventions to address financing... Read More...
Tugade’s sales pitch in London

By Chito Junia TRANSPORTATION Secretary Arthur Tugade made sure that every centavo spent by the government during their recent visit in London would... Read More...
Bong still unsure of Senate run

Should he stay or should he go?  This is the question that Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go is trying to answer and... Read More...
IMAGE In the know: Solar Philippines

Solar Philippines is currently the country’s – and Southeast Asia’s – largest solar-energy company. Founded in August 2013 by Leandro... Read More...
Stupid Name Giver and Other Laughs

Stupid Name Giver Late one night, a burglar broke into a house. While he was sneaking around he heard a voice say, "Jesús is watching you."  He... Read More...
Confession Code and other laughs

Confession Code AN old priest who became sick of all the people in his parish who kept confessing to adultery said one Sunday, in the pulpit,"If I... Read More...
IMAGE SALAMAT SA MGA OFWs

PATULOY ang pagtaas ng inflation rate sa bansa na base sa pagtataya ng mga eksperto ay maaari pang sumipa ng mas mataas ngayong buwan ng Setyembre... Read More...
IMAGE PAGIGING MAKABAYAN

KAMAKAILAN ay tumawag ng atensyon ang plano ni Sen. Manny Pacquiao na maghain ng panukalang batas na naglalayon na isama bilang bahagi ng curriculum... Read More...

Our Guests

Today247
Yesterday868
This week1927
This month12477
Total1073044

Visitor Info

  • Your IP: 54.162.133.222

Who Is Online

19
Online

Tuesday, 16 October 2018
© 2016 OpinYon News Magazine Online. All Rights Reserved.

Please publish modules in offcanvas position.