Orakulo ni Mang Tomas - Nobyembre 29, 2017

• Aquarius (Enero 20-Pebrero 18)

Magandang umamin na sa iyong nagugustuhang katrabaho. Baka maunahan ka pa ni Boss, sige ka. Masuwerteng kulay: Old Moss Green. Masuwerteng mga numero: 14-19-21-31-34-55

• Pisces (Pebrero 19-Marso 20)

Makakapulot ka ng limandaang piso sa kalsada pauwi. Maganda iyan, para may maibigay ka na sa biyenan mong nanghihingi ng puhunan panlaro sa tong-its. Masuwerteng kulay: Antique Bronze. Masuwerteng mga numero: 05-13-15-24-30-40

• Aries (Marso 21-Abril 19)

Ang sabi nga nila, “to see is to believe”. Kaya ‘wag agad maniwala diyan sa profile picture ng ka-eyball mo. Takbo! Masuwerteng kulay: Acid Green. Masuwerteng mga numero: 04-19-23-26-40-43

• Taurus (Abril 20-Mayo 20)

Huwag ka dapat magalit sa traffic sa EDSA. Mainam nga iyan sa’yo, maglakad ka para naman pumayat ka. Masuwerteng kulay: Cornell Red. Masuwerteng mga numero: 11-28-31-47-49-53

• Gemini (Mayo 21-Hunyo 20)

Good News! Mababayaran na ng kumpare mo ang utang niyang isanlibong piso! Bad news, uutang daw siya ulit ng isanlibo, short daw siya e. Masuwerteng kulay: Purple Plum. Masuwerteng mga numero: 12-19-28-35-48-52

• Cancer (Hunyo 21-Hulyo 22)

Makakasundo mo na ang iyong boss. Kaya ituloy mo na rin ang panliligaw sa kanyang anak, tutal iyon naman ang pakay mo. Masuwerteng kulay: Queen Pink. Masuwerteng mga numero: 01-02-20-28-41-48

• Leo (Hulyo 23-Agosto 22)

Magpapasko na, hindi pa rin natatanggal iyong mga ebidensya sa mga nakain mo noong nakaraang pasko. Nasaan na ang sinasabi mong diet? Masuwerteng kulay: Generic Viridian. Masuwerteng mga numero: 05-23-31-38-40-51

• Virgo (Agosto 23-Setyembre 22)

Ayusin ang pagtatrabaho upang hindi ka tanggalin diyan. Sige ka, mawawalan ka ng kikitain at hindi mo na makikita si crush. Masuwerteng kulay: Golden Yellow. Masuwerteng mga numero: 11-18-22-26-30-54 

• Libra (Setyembre 23-Oktubre 22)

Matutupad na ang plano niyong outing kasama ang buong tropa sa Boracay. Kaso hindi ka makakasama, walang leave, sabi ni Boss. Masuwerteng kulay: Jasper Orange. Masuwerteng mga numero:  01-15-21-29-41-50

• Scorpio (Oktubre 23-Nobyembre 21)

‘Wag nang mamroblema sa ibibigay mong regalo sa biyenan mo. Mas maaga ang christmas party sa opisina, baka makakuha ka ng mga baso. Masuwerteng kulay: French Beige. Masuwerteng mga numero: 01-12-31-34-35-44

• Sagittarius (Nobyembre 22-Disyembre 21)

Darating na rin sa wakas ang inorder mong cellphone sa Lazada! Kaso nagastos mo na ang pambayad kagabi nang mag inom kayo ng mga officemates mo. Yari! Masuwerteng kulay: Medium Aquamarine. Masuwerteng mga numero: 04-08-28-30-39-43

• Capricorn (Disyembre 22-Enero 19)

Dapat mong kaibiganin ang lahat ng kapitbahay mo. Maganda iyan, para makasagap ka ng tsismis. Iwas na rin at baka ikaw ang pagtsismisan. Masuwerteng kulay: Mystic Maroon. Masuwerteng mga numero: 10-19-30-35-43-50

 

Like us in Facebook

Features

Latest News

Govt’s cash use hits 97%

    By Rose de la Cruz   While the previous administration opted to under-spend—thereby sacrificing basic social services and infrastructure... Read More...
New law to make financing more inclusive, says Pernia

      By Rose de la Cruz   Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia said government has put in place interventions to address financing... Read More...
Bong still unsure of Senate run

Should he stay or should he go?  This is the question that Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go is trying to answer and... Read More...
IMAGE In the know: Solar Philippines

Solar Philippines is currently the country’s – and Southeast Asia’s – largest solar-energy company. Founded in August 2013 by Leandro... Read More...
Stupid Name Giver and Other Laughs

Stupid Name Giver Late one night, a burglar broke into a house. While he was sneaking around he heard a voice say, "Jesús is watching you."  He... Read More...
Confession Code and other laughs

Confession Code AN old priest who became sick of all the people in his parish who kept confessing to adultery said one Sunday, in the pulpit,"If I... Read More...
IMAGE DISIPLINA SA BORACAY

MARAMI na ang nagaabang sa muling pagbubukas ng Boracay Island sa mga turista ngayong darating na Oktobre 26. Bagamat marami ang umangal noong unang... Read More...
IMAGE SALAMAT SA MGA OFWs

PATULOY ang pagtaas ng inflation rate sa bansa na base sa pagtataya ng mga eksperto ay maaari pang sumipa ng mas mataas ngayong buwan ng Setyembre... Read More...

Our Guests

Today593
Yesterday812
This week4948
This month15498
Total1076065

Visitor Info

  • Your IP: 54.80.188.87

Who Is Online

18
Online

Friday, 19 October 2018
© 2016 OpinYon News Magazine Online. All Rights Reserved.

Please publish modules in offcanvas position.