Orakulo ni Mang Tomas - Oktubre 25, 2017

• Aquarius (Enero 20-Pebrero 18)

Ayusin at pagandahin ang inyong bahay upang dumating ang magandang kapalaran – at upang hindi ka na kulitin ng "perfectionist" mong misis dahil sa pabagsak nang kisame! Masuwerteng kulay: Harlequin Green. Masuwerteng mga numero: 16-19-21-31-39-45

• Pisces (Pebrero 19-Marso 20)

Kaya naman pala ang hina ng benta ng negosyo mo – huwag ka kasing tatabi sa mga lugar na madalang daanan, gaya ng sementeryo. Lumipat ka na ng lugar! Masuwerteng kulay: Cerulean. Masuwerteng mga numero: 13-19-23-25-36-39

• Aries (Marso 21-Abril 19)

Magkaka-spark kayo ng ate na nasa likod mo sa UV Express – hoy, huwag mo kasing hilahin ang buhok niya! May hair fetish ka ba? Masuwerteng kulay: French Rose. Masuwerteng mga numero: 17-31-34-36-42-46

• Taurus (Abril 20-Mayo 20)

Matutong makuntento upang lumigaya, hindi dapat hangarin ang mga bagay na wala sa iyo. Kaya huwag ka nang umasang magkaka-love life ka pa! Masuwerteng kulay: Indigo Dye. Masuwerteng mga numero: 04-11-19-37-38-48

• Gemini (Mayo 21-Hunyo 20)

Ngayon palang pag handaan na ang kapaskuhan, para hindi ka na mangangarag sa dami ng mga inaanak mo pagdating ng Disyembre! Masuwerteng kulay: Gargoyle Gas. Masuwerteng mga numero: 10-17-26-29-38-39

• Cancer (Hunyo 21-Hulyo 22)

Hanapin ang mga dating kaibigan at sa kanila ka humingi ng love advice – pwera na lang kung lahat sila ay naging ka-relasyon mo rin! Ang gulo, no? Masuwerteng kulay:Laser Lemon. Masuwerteng mga numero: 01-06-12-34-44-45

• Leo (Hulyo 23-Agosto 22)

Kalimutan ang mga pangit na karanasan at kalimutan narin ang mga pangit na nilalang. Pagandahin ang paligid upang mahigop ang magandang kapalaran! Masuwerteng kulay: Razzle Dazzle Rose. Masuwerteng mga numero: 03-10-14-26-31-36

• Virgo (Agosto 23-Setyembre 22)

Mag-ingat, may mangungutang na naman sa iyo sa trabaho. Siguro e pwede ka munang magkunwaring on leave para hindi ka niya pestehin, ano? Masuwerteng kulay: Mauve Taupe. Masuwerteng mga numero: 01-15-20-27-41-47

• Libra (Setyembre 23-Oktubre 22)

Isang dating kakilala ang mag-aabot ng malaking halaga – ng dapat mong bayaran sa naunsiyami mong negosyo! OMG! Masuwerteng kulay: Mocha. Masuwerteng mga numero: 01-03-21-22-27-40

• Scorpio (Oktubre 23-Nobyembre 21)

Hindi masamang humingi ng tulong, ang mas masama ay lagi ka na lang bigo dahil sa iyong pride. Lunukin mo na ‘yan, teh! Masuwerteng kulay: Neon Green. Masuwerteng mga numero: 20-23-27-38-39-46

• Sagittarius (Nobyembre 22-Disyembre 21)

Kapag nagawa mong pasunurin ang mga taong nakapaligid sayo, malaking halaga ng salapi ang kikitain – pero please, huwag mo namang daanin sa budol-budol, ha? Masuwerteng kulay: Papaya Whip. Masuwerteng mga numero: 01-02-22-35-40-46

• Capricorn (Disyembre 22-Enero 19)

Huwag mo nang dayain ang sarili mo. Kunwari ka pang nagda-diet, e ikaw lagi ang nauuna sa mga buffet na dinadaluhan mo. Halata na ‘yang istilo mo! Masuwerteng kulay: Very Light Azure. Masuwerteng mga numero: 02-12-23-24-25-43

 

Like us in Facebook

Features

Latest News

Remittances up by 5.4% in February 2018

    By Rose de la Cruz   Remittances of overseas Filipinos hit $2.5 billion in February, up by 5.4 percent from those sent during the same period... Read More...
Local court convicts officers of closed rural bank in Camarines Sur

  By Rose de la Cruz   The municipal trial court of CamaliganGainza-Milaor in Camarines Sur convicted the former directors and officers of a closed... Read More...
Bong still unsure of Senate run

Should he stay or should he go?  This is the question that Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go is trying to answer and... Read More...
IMAGE In the know: Solar Philippines

Solar Philippines is currently the country’s – and Southeast Asia’s – largest solar-energy company. Founded in August 2013 by Leandro... Read More...
Wrong Dream Girl and Other Laughs

Wrong Dream GirlA FROG telephones the Psychic Hotline. His Personal Psychic Advisor tells him, "You are going to meet a beautiful young girl who will... Read More...
Confession Code and other laughs

Confession Code AN old priest who became sick of all the people in his parish who kept confessing to adultery said one Sunday, in the pulpit,"If I... Read More...
IMAGE PAGIGING MAKABAYAN

KAMAKAILAN ay tumawag ng atensyon ang plano ni Sen. Manny Pacquiao na maghain ng panukalang batas na naglalayon na isama bilang bahagi ng curriculum... Read More...
IMAGE PUTULIN ANG MONOPOLYO NG MERALCO!

SUPORTADO nang ibat-ibang consumer group kabilang na ang Institute for Consumer Research and Empowerment (ICORE) ang panukalang dapat putulin na ang... Read More...

Our Guests

Today637
Yesterday911
This week1548
This month24155
Total927814

Visitor Info

  • Your IP: 54.80.185.137

Who Is Online

27
Online

Monday, 23 April 2018
© 2016 OpinYon News Magazine Online. All Rights Reserved.

Please publish modules in offcanvas position.