Orakulo ni Mang Tomas - Oktubre 16, 2017

Aquarius (Enero 20-Pebrero 18)

Sa linggong ito, iwasan ang mga taong mainitin ang ulo. Isipin mo na lang na naabutan na naman sila ng cutoff sa tren o kababasted lamang nila… Masuwerteng kulay: Neon Green. Masuwerteng mga numero: 25-29-33-35-36-38

• Pisces (Pebrero 19-Marso 20)

Lumabas ka naman ng bahay paminsan-minsan. Baka isipin ng mga kamag-anak mo na tatanda ka nang dalaga, e malay naman nilang puro panonood ng Youtube ang inaatupag mo? Masuwerteng kulay: Pistachio. Masuwerteng mga numero: 03-12-14-25-31-33

• Aries (Marso 21-Abril 19)

Maraming gugulo sa iyong isipan ngayong linggo. Kaya focus ka muna diyan sa trabaho at huwag sa magandang tindera ng kakanin diyan sa may kanto. Masuwerteng kulay: Malachite Green. Masuwerteng mga numero: 05-06-08-27-28-43 

• Taurus (Abril 20-Mayo 20)

Itigil mo na muna ang pagpapautang sa tindahan mo. Hindi mo ba napansing naglalaho na lang na parang bula ang mga nangungutang sa iyo? Masuwerteng kulay: Tangerine. Masuwerteng mga numero: 04-28-36-37-44-46  

• Gemini (Mayo 21-Hunyo 20)

Hindi porke’t senior citizen ka na, sa bahay ka na lang lalagi. Sumali ka sa dancing club, baka doon mo na makita ang true love na ilang dekada mo nang hinintay! Masuwerteng kulay: Green Lizard. Masuwerteng mga numero: 01-10-24-30-34-45   

• Cancer (Hunyo 21-Hulyo 22)

Sabihin mo na sa boss mo ang tunay na nasa sa loob mo. Malay mo, ito ang maging susi sa promotion na matagal mo nang inaasam. Masuwerteng kulay: Infra Red. Masuwerteng mga numero: 10-16-19-20-28-37

• Leo (Hulyo 23-Agosto 22)

Humanda ka na ngayong linggo, dahil sa trabaho mo ay bigla mong makikita ang dating nanligaw sa iyo. Alalahanin mo, be professional! Masuwerteng kulay: Lavender Magenta. Masuwerteng mga numero: 03-15-23-33-36-38

• Virgo (Agosto 23-Setyembre 22)

Gumising bago sumikat ang araw, baka madatnan mong basa na naman ang mga sinampay mo kagabi dahil tiyak na uulan sa umaga. Masuwerteng kulay: Light Cyan. Masuwerteng mga numero: 04-08-12-30-31-48

• Libra (Setyembre 23-Oktubre 22)

Maghanda ka lagi ng barya; baka maasar ka mamaya sa bus dahil halos lahat ng pasahero e parang puro limandaan ang pambayad. Hassle, no? Masuwerteng kulay: Metallic Red. Masuwerteng mga numero: 01-04-28-32-38-40

• Scorpio (Oktubre 23-Nobyembre 21)

Madaratnan mo na lang na biglang dumami ang inbox ng email mo – at halos lahat, puro galing sa boss mo na di ata marunong magtext o mag-FB Messenger. Kaasar! Masuwerteng kulay: Languid Lavender. Masuwerteng mga numero: 05-14-16-18-33-41  

• Sagittarius (Nobyembre 22-Disyembre 21)

Magiging sunud-sunod ang kasalan sa magbabarkada mo...at ikaw ang gagawing abay nilang lahat! Ka-inggit na nga, gahol pa sa oras! Masuwerteng kulay: Iris. Masuwerteng mga numero: 07-14-30-36-39-40  

• Capricorn (Disyembre 22-Enero 19)   

Ayusin mo na ‘yang desk mo nang hindi ka laging naghahagilap ng ballpen o dokumentong hindi mo na malaman kung saan mo nailapag. Masuwerteng kulay: Interdimensional Blue. Masuwerteng mga numero: 04-07-38-44-46-47

 

Like us in Facebook

Features

Latest News

IMAGE Spreading growth outside metropolis will reduce traffic

  By Rose de la Cruz  The National Spatial Strategy, spelled out under the Philippine Development Plan 2017-2022, is designed to spread development... Read More...
BSP gives lower risk weight for MSMEs

  By Rose de la Cruz   To ensure the growth of micro small and medium enterprises (MSMEs), the Bangko Sentral ng Pilipinas, through its... Read More...
Comelec control urged for narco-infested LGUs

  By Francisco Benjamin Garcia   Rep. Bernadette Herrera-Dy, chairman of the committee on public information at the lower house has urged that... Read More...
IMAGE IN THE MIDDLE OF THE STORM

WHILE the modernization of public utility vehicles has always been in the wish list of past administrations, thought of as a solution to the... Read More...
The reason why God created woman (and other laughs)

The reason why God created woman Man says to God, “God, why did you make woman so beautiful?” God answers, “So you would love her.” “But... Read More...
R18: The Difference Between a Man and a Woman and Others

The difference between a man and a woman A COUPLE was told to individually write a sentence usingthe words “love” and sex.” The woman wrote:... Read More...
IMAGE ARAL SA ASEAN SUMMIT

IDINEKLARA ni acting Interior Secretary Catalino Cuy na tagumpay ang ginanap na Asean Summit sa bansa. Sa paningin ni Cuy ay matagumpay ang nasabing... Read More...
IMAGE A STEP IN THE RIGHT DIRECTION

Editorial cartoon by Ed Rompal NEWLY minted Bureau of Customs Commissioner Isidro Lapeña is doing a great job.  What his predecessors had failed to... Read More...

Our Guests

Today248
Yesterday929
This week2853
This month17607
Total793213

Visitor Info

  • Your IP: 54.80.169.119

Who Is Online

25
Online

Wednesday, 22 November 2017
© 2016 OpinYon News Magazine Online. All Rights Reserved.

Please publish modules in offcanvas position.