Orakulo ni Mang Tomas - Oktubre 9, 2017

• Aquarius (Enero 20-Pebrero 18)

Hindi masamang maging mabait, pero napapansin mo bang ultimo toothbrush at bathing scrub mo e ginagamit na ng dorm mate mo? Yuck. Masuwerteng kulay: Baby Pink. Masuwerteng mga numero: 13-19-26-30-33-43

• Pisces (Pebrero 19-Marso 20)

Maaga ka ngang aalis sa trabaho mo…pero puro aksidente at nasiraang mga sasakyan ang masasalubong mo ngayong araw. Kainis! Masuwerteng kulay: Cyber Yellow. Masuwerteng mga numero: 10-21-33-39-46-47 

• Aries (Marso 21-Abril 19)

Lagi kang maaabutan ngayon ng cut-off, mapa-MRT o PNR man ang sakyan mo. Kainis! Masuwerteng kulay: Fuzzy Wuzzy. Masuwerteng mga numero: 05-19-26-27-35-48

• Taurus (Abril 20-Mayo 20)

Wag mong gawing kumplikado ang buhay mo. Ultimo lasa ng kapeng tinitimpla sa office ninyo, ginagawa mong malaking isyu? Bakit di ka na lang magtimpla ng sarili mong 3-in-1? Masuwerteng kulay: Fern Green. Masuwerteng mga numero: 02-06-18-26-40-43

• Gemini (Mayo 21-Hunyo 20)

Gaya ng pangalan ng iyong constellation, magkakaroon ka ng kambal – kambal na problema diyan sa trabaho mo. Masisiraan ka na ng computer, ikaw pa ang pagbibintangang utak ng krimen! Masuwerteng kulay: Eerie Black. Masuwerteng mga numero: 03-13-15-22-32-36

• Cancer (Hunyo 21-Hulyo 22)

Unahin mo munang kumbinshin ang mga taong malapit sa iyo. Kailangan mo sila para masabi mong epektib nga ang itinitinda mong diet shake! Masuwerteng kulay: Egyptian Blue. Masuwerteng mga numero: 01-12-38-40-47-48

• Leo (Hulyo 23-Agosto 22)

Tama ang ginagawa mo, umibig ka lang ng umibig. Wag mong pansinin ang iba, ang mas mahalaga ay maligaya ka. Masuwerteng kulay: Deep Sky Blue. Masuwerteng mga numero: 08-14-24-25-28-32

• Virgo (Agosto 23-Setyembre 22)

Humigop ka muna ng mainit na sabaw, nang hindi ka magmukhang sabaw sa office mamaya! Masuwerteng kulay: Dark Orchid. Masuwerteng mga numero: 07-08-14-18-27-28

• Libra (Setyembre 23-Oktubre 22)

Perfect ngayon ang zodiac sign mo, dahil magkakaroon ng isyu sa timbangan mo. Aba, ipa-certify mo na ‘yan sa munisipyo at nang hindi ka napapagbintangang mandaraya ng mga suki mo! Masuwerteng kulay: Japanese Laurel. Masuwerteng mga numero: 15-25-31-44-45-48

• Scorpio (Oktubre 23-Nobyembre 21)

Ang buenas mo ngayon ay matatagpuan mo sa Baclaran – hindi sa simbahan, kundi sa tiangge doon, dahil bagsak-presyo na ang blusa na matagal mo nang balak bilhin! Masuwerteng kulay: Ube Halaya. Maswerteng mga numero: 01-03-11-15-22-29

• Sagittarius (Nobyembre 22-Disyembre 21)

Huwag mo nang patulan ‘yang kasamahan mong atribida, sisirain lang niya ang araw mo! Mag-concentrate sa ginagawa, huwag ng masyadong makipagdaldalan pa. Masuwerteng kulay: Heat Wave. Masuwerteng mga numero: 04-16-21-27-30-47

• Capricorn (Disyembre 22-Enero 19)   

Malabong magtagumpay kung laging magulo ang isipan. Trabaho muna ang atupagin mo, hindi yung crush mong sekyu sa harap ng building ninyo! Masuwerteng kulay: Indigo Dye. Masuwerteng mga numero: 13-21-39-45-47-48

 

Like us in Facebook

Features

Latest News

Businesses told to comply with TRAIN law

    By Rose de la Cruz   Employers in private businesses should be able to iron out by March this year the transition kinks in implementing the... Read More...
Foreign inflows in January hit $1.62 billion

  By Rose de la Cruz   The Bangko Sentral ng Pilipinas reported that net foreign portfolio for January hit $1.62 billion, surpassing the $1.56... Read More...
Comelec control urged for narco-infested LGUs

  By Francisco Benjamin Garcia   Rep. Bernadette Herrera-Dy, chairman of the committee on public information at the lower house has urged that... Read More...
IMAGE IN THE MIDDLE OF THE STORM

WHILE the modernization of public utility vehicles has always been in the wish list of past administrations, thought of as a solution to the... Read More...
IMAGE Honest Hubby and Other Laughs

Honest Hubby?THERE was this old lady who was caught shoplifting. On court day her husband accompanied her as she faced the judge. "Why did you... Read More...
IMAGE All about women and wives and other laughs

All about women and wives I married Miss Right. I just didn’t know her first name was Always. ***** Marriage is a three-ring circus: engagement... Read More...
IMAGE TAMANG DESISYON

TULUYAN nang tinuldukan ni Presidente Rodrigo Duterte ang anumang pagtatangka ng ibang mga grupo at sektor na buhaying muli ang usapang... Read More...
IMAGE GINHAWA PARA SA MGA MAMAMAYAN

Guhit ni Ed Rompal INIULAT ni Senador Sonny Angara na nagkasundo na ang congressional bicameral conference committee sa limang probisyon na... Read More...

Our Guests

Today616
Yesterday864
This week3324
This month17146
Total869782

Visitor Info

  • Your IP: 54.90.119.59

Who Is Online

34
Online

Wednesday, 21 February 2018
© 2016 OpinYon News Magazine Online. All Rights Reserved.

Please publish modules in offcanvas position.