Ang Ulirang Guro sa Filipino ang taunang gawad na ibinibigay ng Komisyon sa Wikang Filipino sa mga pilî at karapat-dapat na guro na ginagamit ang Filipino bilang midyum ng pagtuturo.

Alinsunod sa layunin ng KWF na manghikayat at magpalaganap ng wikang Filipino sa pamamagitan ng mga insentibo, mga grant, at mga gawad, hinahangad ng tanggapan na makilala at maipagparangalan ang mga natatanging guro sa Filipino na nagpamalas ng angking husay, talino, at dedikasyon sa pagpapalaganap at promosyon ng Wikang Filipino at/o mga wika at kultura sa kanilang komunidad.
Guro ang pundasyon ng sibilisasyon, at sa ganitong pananaw isinilang ang Gawad Ulirang Guro sa Filipino na kumikilala sa mga natatanging guro na pawang nakapag-ambag sa pagpapalaganap ng matalino at malikhaing gamit ng wikang Filipino sa iba’t ibang disiplina, saanmang rehiyon sila nagmula, at nakapagpamalas ng pagpapahalaga sa kultura, kaakuhan, at kayamanang pamana ng bansa. Kinikilala rin nito ang mga pambihirang gawain ng guro, sa mga anyong gaya ng akademikong ugnayan, saliksik, at pagpapalaganap ng wika upang mahikayat ang bagong henerasyon ng kabataan na kasangkapanin ang Filipino at iba pang wikang katutubo sa mataas na antas at tungo sa ganap na kapakinabangan ng mga mamamayang Filipino.

Like us in Facebook

Our Guests

Today18
Yesterday1016
This week4708
This month18530
Total871166

Visitor Info

  • Your IP: 54.234.233.48

Who Is Online

25
Online

Friday, 23 February 2018
© 2016 OpinYon News Magazine Online. All Rights Reserved.

Please publish modules in offcanvas position.