TULOY ANG LABAN SA DENGVAXIA

MABUTI naman at tuluyan ng nagpasiya ang pamahalaan na sampahan ng karampatang kaso ang mga sangkot sa kontrobersyal na Dengvaxia anti-dengue immunization program ng nakaraang administrasyon ni Pangulong Noynoy Aquino.

Tanggap na natin na hindi na maaaring maibalik ang mga nawalang buhay at tapatan ng anumang halaga ang sama ng loob, agam-agam at ang mga nasirang pangarap dahil sa Dengvaxia.

Subalit malaking bagay na ring malaman ng mga pamilya ng mga biktima na may ginagawang hakbang ang pamahalaan para makamtan nila ang katarungan.

Mahirap kasi kung hindi susuportahan ng pamahalaan ang laban ng mga biktima sapagkat mahihirapan silang makamit ang hustisya.

Mabuti na lamang at si Pangulong Digong ang nanalo noong nakaraang eleksyon dahil kung nagkataon na iba ang pumalit kay Noynoy, malaki ang posibilidad na hangga ngayon ay nakanganga pa rin ang mga biktima.

Tandaan natin na hindi basta-basta ang mga kumpanya at indibidwal na nasa likod ng kontrobersyang ito at may kakayahan silang gawing tama ang mali at gawing mali ang tama.

Kaya naman nakakaluwag sa kalooban ng mga biktima ang sinabi kamakailan ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na sinusubaybayan ni Pangulong Digong ang mga kaganapan sa kaso.

Tiniyak din niya na sasampahan ng kaso ang lahat ng sangkot sa kontrobersya na kinabibilangan ng mga dating opisyal ng pamahalaan tulad nina dating Pangulong Noynoy at Health Secretary Janet Garin.

Idinagdag pa ni Panelo na naririnig ni Pangulong Digong ang panawagan ng mga biktima nang Dengvaxia at hindi siya papayag na hindi sila mabibigyan ng katarungan.

Ang Dengvaxia vaccine ay bahagi ng P3.5-billion mass anti-dengue immunization program na inilunsad noong 2016 ng pamahalaang Aquino.

Bagamat wala pang sapat na pag-aaral hinggil sa epekto nito ay naibigay ito sa aabot  sa 830,000 na mga mag-aaral ng pampublikong paaralan at mga kawani ng pamahalaan.

Ipinahinto ang programa noong Disyembre 2017 matapos aminin ng ilang eksperto na maaaring mapanganib ang epekto nito sa mga pasyenteng hindi pa nagkakaroon ng dengue o iyong tinatawag na seronegative.

Kasunod nito ay inamin ng manufacturer Sanofi Pasteur na totoo nga na mapanganib ang Dengvaxia sa mga hindi pa nagkakasakit ng dengue.

Subalit huli na ang lahat sapagkat halos isang milyon na ang nabakunahan bago ipinahinto ang programa, at halos 100 sa kanila ay namatay at marami rin ang nabingit sa kamatayan pagkatapos mabakunahan ng Dengvaxia.

Kaya naman suportado natin ang hakbang ng pamahalaan na sampahan ng kaso ang lahat ng mga sangkot sa anomalyang ito para makamit ng mga biktima ang hustisya.

 

Like us in Facebook

Features

Latest News

BSP closes 2 small local banks

    By Rose de la Cruz   Two small banks were closed by the Monetary Board, the policy-making body of the Bangko Sentral ng Pilipinas recently.... Read More...
BSP pushes adoption of National QR Code standard for payments

      To ensure the efficiency of payment systems in support of inclusive economic development, the Monetary Board has approved a policy requiring... Read More...
Bong still unsure of Senate run

Should he stay or should he go?  This is the question that Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go is trying to answer and... Read More...
IMAGE In the know: Solar Philippines

Solar Philippines is currently the country’s – and Southeast Asia’s – largest solar-energy company. Founded in August 2013 by Leandro... Read More...
Stupid Name Giver and Other Laughs

Stupid Name Giver Late one night, a burglar broke into a house. While he was sneaking around he heard a voice say, "Jesús is watching you."  He... Read More...
Confession Code and other laughs

Confession Code AN old priest who became sick of all the people in his parish who kept confessing to adultery said one Sunday, in the pulpit,"If I... Read More...
IMAGE A DELICATE BALANCE

Photo courtesy of Top Gear Philippines Officials of motorcycle-sharing service company Angkas must be grinning all the way to the bank. After a... Read More...
IMAGE TULOY ANG LABAN SA DENGVAXIA

MABUTI naman at tuluyan ng nagpasiya ang pamahalaan na sampahan ng karampatang kaso ang mga sangkot sa kontrobersyal na Dengvaxia anti-dengue... Read More...

Our Guests

Today719
Yesterday830
This week1549
This month16022
Total1406755

Visitor Info

  • Your IP: 3.92.92.168

Who Is Online

17
Online

Monday, 18 November 2019
© 2016 OpinYon News Magazine Online. All Rights Reserved.

Please publish modules in offcanvas position.