DISIPLINA SA BORACAY

MARAMI na ang nagaabang sa muling pagbubukas ng Boracay Island sa mga turista ngayong darating na Oktobre 26.

Bagamat marami ang umangal noong unang iniutos ni Pangulong Digong na ipasara ito noong Abril, nakikita naman sa ngayon na tama ang naging desisyon niya.

Hindi tulad ng dati na sobrang dumi ng tubig at halos sakupin na rin ng mga business establishment ang dalampasigan, higit na malinis na ngayon sa pangkalahatan sa Boracay.

Kaya naman sa muling pagbubukas ng Boracay ay magpapatupad na ng ibat-ibang alituntunin ang pamahalaan para hindi na muling masira at mababoy ang isa sa pinakamagandang isla sa mundo.

Mas mahalaga kasi sa kinikitang pera dala ng turismo ay panatilihin ang kalinisan at kagandahan ng isla.

Sa ganoon ay maabutan at mapakinabangan pa ito ng mga darating nating henerasyon.

Hindi na rin uubra ang mga dating ginagawa ng mga negosyante na walang iniisip kundi pagkakitaan ang isla.

Maging ang mga turista ay hindi na rin papayagan ang walang patumanggang pagyoyosi at paginom ng alak kahit sa dalampasigan.

Limitado na rin sa 19,000 ang bilang ng mga panauhing makakapasok sa isla sa isang araw hindi tulad ng dati na unlimited ang bilang na nagpupunta.

Magiging mahigpit na rin sa paghakot ng basura at kukunin na ito ng barge kada gabi para itapon sa ibang lugar at hindi na itatambak sa dumping area sa isla.

Bago maipasara ay tumatanggap ng halos 2 milyong turista kada taon ang Boracay at nagpapasok ng mahigit P50-B kita sa kaban ng bayan.

Subalit kahit malamang na maapektuhan ang mga pigurang ito, mas mainam na pairalin ang disiplina at pangangalaga sa isla upang sa ganoon ay mapanitili ang likas na ganda nito.

Tiyak na margereklamo ang mga negosyante sa Boracay sa mga bagong ipatutupad na alituntunin, pero suportado natin ang  mga hakbang na ito ng pamahalaan.

Mas mabuti na ang maghigpit keysa naman tuluyang masira ang isla ng Boracay.

 

Like us in Facebook

Features

Latest News

BSP closes 2 small local banks

    By Rose de la Cruz   Two small banks were closed by the Monetary Board, the policy-making body of the Bangko Sentral ng Pilipinas recently.... Read More...
BSP pushes adoption of National QR Code standard for payments

      To ensure the efficiency of payment systems in support of inclusive economic development, the Monetary Board has approved a policy requiring... Read More...
Bong still unsure of Senate run

Should he stay or should he go?  This is the question that Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go is trying to answer and... Read More...
IMAGE In the know: Solar Philippines

Solar Philippines is currently the country’s – and Southeast Asia’s – largest solar-energy company. Founded in August 2013 by Leandro... Read More...
Stupid Name Giver and Other Laughs

Stupid Name Giver Late one night, a burglar broke into a house. While he was sneaking around he heard a voice say, "Jesús is watching you."  He... Read More...
Confession Code and other laughs

Confession Code AN old priest who became sick of all the people in his parish who kept confessing to adultery said one Sunday, in the pulpit,"If I... Read More...
IMAGE A DELICATE BALANCE

Photo courtesy of Top Gear Philippines Officials of motorcycle-sharing service company Angkas must be grinning all the way to the bank. After a... Read More...
IMAGE TULOY ANG LABAN SA DENGVAXIA

MABUTI naman at tuluyan ng nagpasiya ang pamahalaan na sampahan ng karampatang kaso ang mga sangkot sa kontrobersyal na Dengvaxia anti-dengue... Read More...

Our Guests

Today695
Yesterday830
This week1525
This month15998
Total1406731

Visitor Info

  • Your IP: 3.92.92.168

Who Is Online

30
Online

Monday, 18 November 2019
© 2016 OpinYon News Magazine Online. All Rights Reserved.

Please publish modules in offcanvas position.