SALAMAT SA MGA OFWs

PATULOY ang pagtaas ng inflation rate sa bansa na base sa pagtataya ng mga eksperto ay maaari pang sumipa ng mas mataas ngayong buwan ng Setyembre keysa sa naitala na 6.4 percent noong Agosto.

Dahil sa mataas na inflation rate ay tumataas rin ang presyo nang mga bilihin at serbisyo, na pinalalala pa nang patuloy na pagsirit ng halaga ng langis sa pandaigdigang merkado.

Subalit katulad noong mga nakaraang mga panahon na nagkaroon ng global financial meltdown ay alam nating kakayanin ng bansa na malagpasan ang nangyayaring unos sa ating ekonomiya.

Maliban kasi sa mga inisyatibong ginagawa nang pamahalang Duterte para sagkaan ang daluyong, ay matibay na sandata rin natin ang perang ipinapadala sa bansa nang mga kababayan nating overseas Filipino workers.

Talagang sila na nga ang mga tunay na makabagong mga bayani sapagkat kung hindi dahil sa kanila, ay matagal ng lugmok ang ating ekonomiya na tila hindi na makagulapay dahil sa taas ng mga bilihin at serbisyo.

Base sa huling ulat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ay umabot sa US $18.5B o katumbas na P1.006–T ang ipinadalang remittances ng mga OFWs sa loob ng unang pitong buwan lamang ng kasalukuyang taon.

Ang nasabing halaga na ipinadala ng sea-based at land-based na mga manggagawa ay pagpapatunay, ng patuloy na pagsisikap nila para mapanatiling matatag ang ating ekonomiya.

Tinatayang aabot sa 10 milyon ang mga Pilipino na nagtitiis ng hirap kahit na malayo sa kanilang mga mahal sa buhay, para masuportahan hindi lamang ang kanilang pangangailangan kundi pati ang kabuhayan ng bansa.

Kung wala sila ay tiyak na mahihirapan ang pamahalaan na sagupain ang unos ng ekonomiya at wala rin itong magagamit para sa mga proyekto nito na tulad ng BuildBuildBuild at maging sa maayos na pagpapatupad ng batayang serbisyo.

Isipin din natin na mas malaking di hamak ang mahigit isang trilyong pisong iyan keysa sa iniaambag ng pagmimina sa bansa, na umaabot lamang sa P60-B kada taon na kapalit naman ay pagkasira ng ating mga kapaligiran at likas-yaman.  

Malungkot nga lamang sapagkat may mga pagkakataong nagiging biktima sila ng pagpapabaya ng mga opisyales ng ating pamahalaan sa ibang bansa na dapat tutulong sa kanila sa panahon ng kagipitan.

Kaya naman nararapat lamang na bigyan natin ng karampatang importansya at pagrespeto ang ating mga OFWs, na walang sawa sa kanilang pagsasakripisyo mabigyan lamang ng magandang kinabukasan ang kanilang mga minamahal at ang ating bansa sa pangkalahatan.

 

Like us in Facebook

Features

Latest News

BSP closes 2 small local banks

    By Rose de la Cruz   Two small banks were closed by the Monetary Board, the policy-making body of the Bangko Sentral ng Pilipinas recently.... Read More...
BSP pushes adoption of National QR Code standard for payments

      To ensure the efficiency of payment systems in support of inclusive economic development, the Monetary Board has approved a policy requiring... Read More...
Bong still unsure of Senate run

Should he stay or should he go?  This is the question that Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go is trying to answer and... Read More...
IMAGE In the know: Solar Philippines

Solar Philippines is currently the country’s – and Southeast Asia’s – largest solar-energy company. Founded in August 2013 by Leandro... Read More...
Stupid Name Giver and Other Laughs

Stupid Name Giver Late one night, a burglar broke into a house. While he was sneaking around he heard a voice say, "Jesús is watching you."  He... Read More...
Confession Code and other laughs

Confession Code AN old priest who became sick of all the people in his parish who kept confessing to adultery said one Sunday, in the pulpit,"If I... Read More...
IMAGE A DELICATE BALANCE

Photo courtesy of Top Gear Philippines Officials of motorcycle-sharing service company Angkas must be grinning all the way to the bank. After a... Read More...
IMAGE TULOY ANG LABAN SA DENGVAXIA

MABUTI naman at tuluyan ng nagpasiya ang pamahalaan na sampahan ng karampatang kaso ang mga sangkot sa kontrobersyal na Dengvaxia anti-dengue... Read More...

Our Guests

Today712
Yesterday830
This week1542
This month16015
Total1406748

Visitor Info

  • Your IP: 3.92.92.168

Who Is Online

19
Online

Monday, 18 November 2019
© 2016 OpinYon News Magazine Online. All Rights Reserved.

Please publish modules in offcanvas position.