PAGIGING MAKABAYAN

KAMAKAILAN ay tumawag ng atensyon ang plano ni Sen. Manny Pacquiao na maghain ng panukalang batas na naglalayon na isama bilang bahagi ng curriculum sa ating mga paaralan ang pagtuturo ng patriotism o pagiging makabayan.

Sinabi ni Pacquiao na napapanahon ang nasabing aralin sapagkat kapansin-pansin na tila nawawala na ang pagiging makabayan ng mga bagong henerasyon ng mga Pilipino.

Dumating na aniya sa punto na nagiging traydor na ang mga Pilipino hindi lamang sa mga kapwa Pilipino kundi maging sa mismong bansa natin.

Dahil sa mga pahayag ni Pacquiao ay tila nakanti ang pride ng mga guro dahil sila nga naman ang nasa frontline, pagdating sa usapin ng paghubog sa magiging ugali ng mga kabataang estudyante.

Kaya naman naobligang magbigay ng pahayag si Benjo Basas, national chairman ng militanteng Teachers Dignity Coalition (TDC), sa pagsasabing hindi patas ang sisihin ang mga guro kung nawawala na ang pagiging makabayan ng mga kabataan ngayon.

Para kay Basas, hindi lamang ang mga guro ang may responsibilidad sa pagpapalaki ng maayos sa mga bata kundi ang buong pamayanan ay may tungkulin din sa bagay na ito.

Sa madaling salita, nais iparating ni Basas na ang paghubog para maging makabayan ang mga kabataan ay tungkuling dapat isakatuparan ng bawat isang responsableng mamamayan sa ating bansa.

Sang-ayon tayo sa pananaw na ito Basas, subalit dahil mas mahabang panahon ang ginugugol ng mga bata na kasama sila sa paaralan, dapat sila ang may pangunahing tungkulin na ituro ang kahalagahan ng patriotism.

May kasabihang ginagaya ng mga bata kung ano ang ginagawa ng mga matatanda, kaya naman kung mabuting halimbawa ng pagiging makabayan ang kanilang nakikita sa mga guro, ay tiyak na iyon ang gagayahin nila.

Maliban sa mga guro ay nandiyan din ang mga magulang at ibang mas nakakatandang mga kamag-anak ng mga bata na nararapat na magturo at magpakita rin ehemplo ng nasyonalismo.

Makakatulong din siyempre ang papel na ginagampanan ng mass media sa paghuhubog ng magiging ugali ng mga kabataan.

Kaya sana naman ay maging mas responsable ang mga nasa media upang ang mga programa na magtuturo ng mabuting asal ang kanilang likhain at isulat at pangingibabawin higit pa sa interes ng komersyalismo.

Sa huli, bagamat suportado natin ang panukala ni Pacquiao, dapat sana ay isipin ng bawat isang Pilipino na ang pagiging makabayan ay hindi lamang natututunan sa loob ng paaralan, kundi sa pang araw-araw na gawi nang ating pamumuhay.

 

Like us in Facebook

Features

Latest News

PH to host APO next regional productivity summit in 2019

    By Rose de la Cruz   The Philippines is hosting, after Lao PDR, the 57-year old Asian Productivity Organization (APO) governing body next... Read More...
BSP reorganizes for better efficiency

  By Rose de la Cruz   The Bangko Sentral ng Pilipinas is implementing its phased reorganization to enhance its capability to fulfill its mandate... Read More...
Bong still unsure of Senate run

Should he stay or should he go?  This is the question that Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go is trying to answer and... Read More...
IMAGE In the know: Solar Philippines

Solar Philippines is currently the country’s – and Southeast Asia’s – largest solar-energy company. Founded in August 2013 by Leandro... Read More...
Wrong Dream Girl and Other Laughs

Wrong Dream GirlA FROG telephones the Psychic Hotline. His Personal Psychic Advisor tells him, "You are going to meet a beautiful young girl who will... Read More...
Confession Code and other laughs

Confession Code AN old priest who became sick of all the people in his parish who kept confessing to adultery said one Sunday, in the pulpit,"If I... Read More...
IMAGE PAGIGING MAKABAYAN

KAMAKAILAN ay tumawag ng atensyon ang plano ni Sen. Manny Pacquiao na maghain ng panukalang batas na naglalayon na isama bilang bahagi ng curriculum... Read More...
IMAGE PUTULIN ANG MONOPOLYO NG MERALCO!

SUPORTADO nang ibat-ibang consumer group kabilang na ang Institute for Consumer Research and Empowerment (ICORE) ang panukalang dapat putulin na ang... Read More...

Our Guests

Today220
Yesterday955
This week2768
This month20296
Total954966

Visitor Info

  • Your IP: 54.156.76.187

Who Is Online

30
Online

Wednesday, 23 May 2018
© 2016 OpinYon News Magazine Online. All Rights Reserved.

Please publish modules in offcanvas position.