PUTULIN ANG MONOPOLYO NG MERALCO!

SUPORTADO nang ibat-ibang consumer group kabilang na ang Institute for Consumer Research and Empowerment (ICORE) ang panukalang dapat putulin na ang monopolyo nang Meralco bilang power distributor sa Metro Manila at iba pang mga kalapit na lalawigan.

Sa isang pahayag ay sinabi ni Ray Junia, convenor at Chairman ng ICORE na matagal ng pinaghaharian ng Meralco ang industriya ng elektrisidad sa bansa at dahil sa monopolyo ay nagagawa nila kahit anong gusto nila.

“Panahon na para magkaroon ng bagong mga power distributor para mawasak na ang monopolyo ng Meralco para mas bumaba ang presyo ng koryente” sabi Junia.

Ginawa ni Junia ang pahayag bilang suporta sa panukala ni Quezon City 2nd District Rep. Winston Castelo na una nang nagsabi na ang kawalan ng kompetisyon sa negosyo ang dahilan kung bakit naabuso ng Meralco ang power sector sa bansa.

Sinabi ni Junia na dahil sa monopolyo kung kaya’t ang bansa ang isa sa may pinakamataas na singil sa bayad sa koryente hindi lang sa rehiyon ng Asya kundi maging sa buong mundo.

Ito aniya ang dahilan kung bakit maraming mga negosyo ang napipilitang magsara o di kaya ay ilipat ang kanilang mga operasyon at planta sa mga kalapit na bansa.

Nitong nakaraang dalawang buwan ay naging sunod-sunod ang pagtataas ng singil ng Meralco na nagpahirap sa milyon-milyong mga subscriber nito.

Kamakailan lang ay muling inanunsyo ng Meralco na magpapatupad sila nang 75 sentimong pagtaas sa singil, at karagdagang 33 sentimo pa o kabuuang P1.08 kada kilowatt hour (kWh).

Pinuna ni Junia ang sunod-sunod na pagtaas na ito ng singil sa koryente na nagpapahirap sa madla.

Nagtataka si Junia sapagkat kapag humihiling ng increase ng singil ay ikinakatuwiran ng Meralco ang kakulangan ng sapat na pondo para sa operasyon, subalit maluho naman sila paggasta katulad na lang halimbawa ng pagmamantena ng basketball team sa Philippine Basketball Association (PBA).

Base sa pagtataya nang info site na Media Tracker kailangan ng P100-M para sa sa franchise fee ng isang team at hindi bababa sa P100-M kada taon para sa maintenance ng isang koponan.

Ayos lang magmantena ng isang PBA team kung may kalaban sa negosyo ang isang kumpanya at kailangan ng media mileage.

Pero sa kaso ng Meralco ay maliwanag na pag-aaksaya lamang ito nang pera na kinukuha nila sa mga subscriber dahil wala naman silang kakumpetensya.

Nakatakdang magtapos ang ibinigay na prangkisa sa Meralco sa Hunyo nang taong ito kaya suportado ng pahayagang ito ang panawagan ng ICORE at mga kongresista na putulin  na ang monopolyo ng Meralco.

 

 

Like us in Facebook

Features

Latest News

BSP closes 2 small local banks

    By Rose de la Cruz   Two small banks were closed by the Monetary Board, the policy-making body of the Bangko Sentral ng Pilipinas recently.... Read More...
BSP pushes adoption of National QR Code standard for payments

      To ensure the efficiency of payment systems in support of inclusive economic development, the Monetary Board has approved a policy requiring... Read More...
Bong still unsure of Senate run

Should he stay or should he go?  This is the question that Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go is trying to answer and... Read More...
IMAGE In the know: Solar Philippines

Solar Philippines is currently the country’s – and Southeast Asia’s – largest solar-energy company. Founded in August 2013 by Leandro... Read More...
Stupid Name Giver and Other Laughs

Stupid Name Giver Late one night, a burglar broke into a house. While he was sneaking around he heard a voice say, "Jesús is watching you."  He... Read More...
Confession Code and other laughs

Confession Code AN old priest who became sick of all the people in his parish who kept confessing to adultery said one Sunday, in the pulpit,"If I... Read More...
IMAGE A DELICATE BALANCE

Photo courtesy of Top Gear Philippines Officials of motorcycle-sharing service company Angkas must be grinning all the way to the bank. After a... Read More...
IMAGE TULOY ANG LABAN SA DENGVAXIA

MABUTI naman at tuluyan ng nagpasiya ang pamahalaan na sampahan ng karampatang kaso ang mga sangkot sa kontrobersyal na Dengvaxia anti-dengue... Read More...

Our Guests

Today701
Yesterday830
This week1531
This month16004
Total1406737

Visitor Info

  • Your IP: 3.92.92.168

Who Is Online

17
Online

Monday, 18 November 2019
© 2016 OpinYon News Magazine Online. All Rights Reserved.

Please publish modules in offcanvas position.