Maliwanag na mensahe

PATULOY pa rin ang mainit na isyu hinggil sa total deployment ban nang mga overseas Filipino worker (OFW) sa Kuwait na ibinaba nang pamahalaang Duterte.

Matindi ang epekto nang nasabing ban sapagkat apektado nito ang lahat ng mga OFW at hindi lamang ang mga household worker na karaniwang nagiging biktima nang mga pangaabuso at pagmaltrato ng kanilang mga amo.

Ang mga kaso ng pangaabuso at pagmaltrato sa ating mga kababayan na minsan ay nagiging dahilan pa ng kanilang kamatayan, ang siyang dahilan kung bakit napilitan si Pangulong Digong na ipagbawal ang pagpapadala ng mga Pinoy na manggagawa sa Kuwait.

Dahil sa nasabing pagbabawal, libo-libong mga kababayan nating skilled worker tulad ng mga nurse, doktor, engineer, IT expert at maraming iba pa ang hindi na rin makakaalis para magtrabaho sa nasabing bansa.

Kaya naman nagrereklamo ang mga nadamay na migrant worker lalo na iyong may maayos na mga trabaho na may malaking sweldo at mababait na amo, dahil ang kapakanan ng kanilang mga pamilya ang naaapektuhan.

Marami kasi sa kanila ang inabutan ng deployment ban habang nagbabakasyon lamang sa bansa at para naman sa mga nakaalis na ay nangangamba sila, sapagkat hindi sila nakatitiyak kung puwede pa ba silang bumalik dito o hindi.

Sa ngayon ay wala pa ring katiyakan kung kailan matatanggal ang deployment ban subalit suportado natin ang paninindigan ng pamahalaang Duterte sa isyung ito.

Bagama’t maraming manggagawa ang apektado ng pagbabawal, sa paraang ito lamang natin maipapakita bilang bansa ang ating dignidad at respeto bilang isang lahi.

Sa ngayon ay isang high-level discussion ang ginagawa sa pagitan ng mga opisyal ng bansa at Kuwait upang resolbahin ang sigalot na ito.

Ngunit ano pa man ang maging resulta ng paguusap na ito ang mahalaga ay naiparating ni Pangulong Digong ang mensahe sa mga Kuwaiti at iba pang mga bansa.

At ito ay ang mensahe na mas mahalaga sa ating mga Pinoy ang dignidad at respeto keysa sa  anumang pera na kikitain natin sa pagtatrabaho sa kanilang mga bansa.

Sana ay mabigyan na rin ng aral ang pangyayaring hindi lamang sa Kuwait kundi sa iba pang mga bansa na kailangang itrato nila ang mga Pilipino ng may dignidad at respeto.

Sa usapin naman ng deployment ban ay naniniwala tayo na dapat sana ay payagan na lang umalis ang ating mga skilled worker subalit tuluyan ng ipagbawal ang deployment ng ating mga domestic helper.

Sa ganoong paraan ay maiiwasang maulit ang mga pangaabuso at pangaapi sa ating mga kababayan.

Like us in Facebook

Features

Latest News

Empowering MSMEs in Dinagat Island province

  By Rose de la Cruz   Bangko Sentral ng Pilipinas is soon signing a memorandum of agreement with the local officials of the island province of... Read More...
Empowering MSMEs in Dinagat Island province

  By Rose de la Cruz   Bangko Sentral ng Pilipinas is soon signing a memorandum of agreement with the local officials of the island province of... Read More...
Bong still unsure of Senate run

Should he stay or should he go?  This is the question that Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go is trying to answer and... Read More...
IMAGE In the know: Solar Philippines

Solar Philippines is currently the country’s – and Southeast Asia’s – largest solar-energy company. Founded in August 2013 by Leandro... Read More...
Wrong Dream Girl and Other Laughs

Wrong Dream GirlA FROG telephones the Psychic Hotline. His Personal Psychic Advisor tells him, "You are going to meet a beautiful young girl who will... Read More...
Confession Code and other laughs

Confession Code AN old priest who became sick of all the people in his parish who kept confessing to adultery said one Sunday, in the pulpit,"If I... Read More...
IMAGE PAGIGING MAKABAYAN

KAMAKAILAN ay tumawag ng atensyon ang plano ni Sen. Manny Pacquiao na maghain ng panukalang batas na naglalayon na isama bilang bahagi ng curriculum... Read More...
IMAGE PUTULIN ANG MONOPOLYO NG MERALCO!

SUPORTADO nang ibat-ibang consumer group kabilang na ang Institute for Consumer Research and Empowerment (ICORE) ang panukalang dapat putulin na ang... Read More...

Our Guests

Today698
Yesterday743
This week5418
This month16506
Total1055252

Visitor Info

  • Your IP: 54.198.142.121

Who Is Online

22
Online

Sunday, 23 September 2018
© 2016 OpinYon News Magazine Online. All Rights Reserved.

Please publish modules in offcanvas position.