TAMANG DESISYON

TULUYAN nang tinuldukan ni Presidente Rodrigo Duterte ang anumang pagtatangka ng ibang mga grupo at sektor na buhaying muli ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at mga komunista.
Ito ay matapos niyang ideklarang mga terorista ang mga bumubuo ng Communist Party of the Philippines (CPP) at ang armadong grupo nitong New People’s Army (NPA) na tinatawag ding bagong hukbong bayan.
Kunsabagay ay hindi natin masisisi si Pangulong Digong kung tuluyan na niyang isara ang pintuan ng negosasyon para sa kapayapaan, dahil na rin sa patuloy na paglabag ng mga komunista sa mga kasunduang itinakda nang pamahalaan kaugnay ng peace process.
Kung matatandaan ilang araw lang matapos siyang manungkulan bilang pangulo ng bansa, ang isa sa mga una niyang hakbang ay ipahayag ang hangarin na muling buksan ang usapang pangkapayapaan sa mga komunista.
At bilang pagpapakita ng kanyang sinseridad sa hangaring makamit ang kapayapaan ay iniutos ni Pangulong Digong ang pagpapalaya ng mga nakakulong na mga lider ng NPA, kabilang na ang mga high value detainees na sina Benito Tiamzon  at asawa niyang si Wilma.
Maging ang ilang mga kilalang lider ng mga grupong makakaliwa ay kinuha rin niya at itinalagang mga kalihim sa kanyang gabinete tulad nina dating DAR Secretary Rafael Mariano, DSWD Secretary Judy Taguiwalo at iba pa, dangan nga lamang at hindi sila nakapasa sa Commission on Appointments (CA).
At ngayong idineklara na nga ni Pangulong Duterte na mga terorista ang mga komunistang rebelde, tuluyan na ring nakumpirma ang nauna nang taguri sa kanila ng Estados Unidos bilang "grupong terorista".
Dahil sa desisyong ito ni Duterte ay inaasahan ang mas lalo pang pagtindi ng mga pagatakeng gagawin ng mga NPA laban sa mga sundalo ng pamahalaan at mga pulis at maging laban sa mga sibilyan.
Ang problema kasi sa mga rebelde ay mukhang gusto lang nilang makipagusap pero hindi naman talaga nila hangad ang kapayapaan kundi tuluyang pabagsakin ang pamahalaan.
Mukhang ginagamit nila ang kasabihang ‘kung gusto mo ng kapayapaan, maghanda ka sa digmaan” na doktrina ng heneral ng Roma na si Vegetius.
Ibig sabihin habang nakikipagusap sila ng kapayapaan sa pamahalaan ay ginagamit nila ang panahong ito para maghanda sa digmaan.
Kaya tama lang ang desisyon ni Pangulong Digong na ihinto na ang usapan sapagkat alam niyang wala namang ibang intensyon ang mga komunista kundi agawin ang kapangyarihan mula sa pamahalaan.

Like us in Facebook

Features

Latest News

Japan remains top ODA source

    By Rose de la Cruz   Japan continues to be the main source of official development assistance of the Philippine government, where... Read More...
Critical infrastructure: a role model to protect normal businesses?

    By Andrey Suvorov, Head of Critical Infrastructure Protection at Kaspersky Lab After many years of working with clients trying to protect their... Read More...
Bong still unsure of Senate run

Should he stay or should he go?  This is the question that Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go is trying to answer and... Read More...
IMAGE In the know: Solar Philippines

Solar Philippines is currently the country’s – and Southeast Asia’s – largest solar-energy company. Founded in August 2013 by Leandro... Read More...
Wrong Dream Girl and Other Laughs

Wrong Dream GirlA FROG telephones the Psychic Hotline. His Personal Psychic Advisor tells him, "You are going to meet a beautiful young girl who will... Read More...
Confession Code and other laughs

Confession Code AN old priest who became sick of all the people in his parish who kept confessing to adultery said one Sunday, in the pulpit,"If I... Read More...
IMAGE PAGIGING MAKABAYAN

KAMAKAILAN ay tumawag ng atensyon ang plano ni Sen. Manny Pacquiao na maghain ng panukalang batas na naglalayon na isama bilang bahagi ng curriculum... Read More...
IMAGE PUTULIN ANG MONOPOLYO NG MERALCO!

SUPORTADO nang ibat-ibang consumer group kabilang na ang Institute for Consumer Research and Empowerment (ICORE) ang panukalang dapat putulin na ang... Read More...

Our Guests

Today43
Yesterday886
This week4335
This month16745
Total1004615

Visitor Info

  • Your IP: 54.166.228.35

Who Is Online

22
Online

Friday, 20 July 2018
© 2016 OpinYon News Magazine Online. All Rights Reserved.

Please publish modules in offcanvas position.