GINHAWA PARA SA MGA MAMAMAYAN

Guhit ni Ed Rompal

INIULAT ni Senador Sonny Angara na nagkasundo na ang congressional bicameral conference committee sa limang probisyon na nakapaloob sa panukalang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (Train) bill.

Ang limang probisyong ito ay kinabibilangan nang tax exemption para sa lahat ng mga manggagawa na kumikita ng hindi aabot sa P250,000 kada taon, at ang hindi pagsingil ng value added tax sa mga nangungupahan ng bahay at condo units na hindi lalagpas sa P15,000 kada buwan.

Unang beses na nagpulong ang mga kinatawan mula sa Kongreso at Senado noong Biyernes at base sa ulat ni Angara na chairman ng Senate committee on ways and means, ay naging maayos naman ang proseso.

Iniulat din ni Angara na nagkasundo na rin ang bicam na ang mga kumikita ng mahigit P8 milyon kada taon ay ay kailangang magbayad ng buwis na  aabot sa P2.41 milyon at 35 porsiyento ng higit sa P8 milyon.

Sa tinatakbo ng paguusap ng bicam ay malaki ang posibilidad na maisabatas na kaagad ang panukalang TRAIN at pag nagkagayon ay tiyak na malaki ang magiging dulot na ginhawa nito sa mga mahihirap nating mga kababayan.

Gaya nang alam na natin ay mahigit 90 porsiyento ng halos 110 milyon Pilipino ay mga mahihirap samantalang nasa 10 porsiyento ang mga mayayaman na siya ring may kontrol sa ekonomiya at pamumuhay sa bansa.

At base sa mga probisyong nakasaad sa TRAIN, ang mayayamang ito ang nais targetin ng pamahalaang Duterte na mamahagi naman ng higit na malaki sa ekonomiya sa pamamagitan ng pagbabayad ng mas mataas na buwis.

At dahil sa milyon-milyong pinoy nga ang kumikita ng hindi naman aabot sa P250,000 kada taon, sila ang tiyak na mabibigyang biyaya sapagkat buo na nilang maiuuwi ang kanilang sweldo sa kanilang tahanan.

Hindi tulad ng umiiral na batas sa pagbubuwis na ang mga daily wage earner ang nagpapasan ng bigat ng ekonomiya, dahil sa TRAIN ay tiyak na mas gagaan ngayon ang kanilang pamumuhay.

Kapag naiuwi kasi nang mga manggagawa ng buo ang kanilang sweldo ay mas marami silang pera na magagamit para sa pangangailangan sa kanilang sambahayan.

Kaya naman nananawagan ang pahayagang ito sa ating mga mambabatas na huwag ng magpatumpik-tumpik pa at ipasa na agad ang panukalang batas.

Binabati rin natin si Pangulong Digong dahil minsan pa ay pinatunayan niya na nasa puso niya ang kapakanan ng masang Pilipino, dahil tinupad niya ang pangakong reporma sa pagbubuwis na pabor sa mahihirap at hindi sa mayayaman.

Like us in Facebook

Features

Latest News

Draft Ph. Export Development Plan supports PDP2017-2022

    By Rose de la Cruz   The National Economic and Development Authority said that the proposed Philippine export development plan (PEDP) to boost... Read More...
Remittances surge to $10.4-B in 1st 4 months of 2018

    By Rose de la Cruz   Remittances from overseas Filipinos rose to $10.4 billion in January to April 2018, up by 4 percent hitting $2 billion... Read More...
Bong still unsure of Senate run

Should he stay or should he go?  This is the question that Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go is trying to answer and... Read More...
IMAGE In the know: Solar Philippines

Solar Philippines is currently the country’s – and Southeast Asia’s – largest solar-energy company. Founded in August 2013 by Leandro... Read More...
Wrong Dream Girl and Other Laughs

Wrong Dream GirlA FROG telephones the Psychic Hotline. His Personal Psychic Advisor tells him, "You are going to meet a beautiful young girl who will... Read More...
Confession Code and other laughs

Confession Code AN old priest who became sick of all the people in his parish who kept confessing to adultery said one Sunday, in the pulpit,"If I... Read More...
IMAGE PAGIGING MAKABAYAN

KAMAKAILAN ay tumawag ng atensyon ang plano ni Sen. Manny Pacquiao na maghain ng panukalang batas na naglalayon na isama bilang bahagi ng curriculum... Read More...
IMAGE PUTULIN ANG MONOPOLYO NG MERALCO!

SUPORTADO nang ibat-ibang consumer group kabilang na ang Institute for Consumer Research and Empowerment (ICORE) ang panukalang dapat putulin na ang... Read More...

Our Guests

Today339
Yesterday1033
This week1372
This month20053
Total982686

Visitor Info

  • Your IP: 54.80.198.173

Who Is Online

31
Online

Monday, 25 June 2018
© 2016 OpinYon News Magazine Online. All Rights Reserved.

Please publish modules in offcanvas position.