MAY TIWALA SI DIGONG KAY TUGADE

SOBRANG halata naman ang birada ng ilang mga taga-oposisyon dahil gusto nilang ibuhos lahat kay Transportation Secretary Arthur Tugade ang sisi sa sunod-sunod na mga aberyang nangyayari sa Metro Rail Transit (MRT-3).

Kamakailan ay nanawagan pa nga sina party-list Reps. Gary Alejano ng Magdalo at Ariel Casilao of Anakpawis kay Pangulong Digong na sibakin na si Tugade dahil daw sa palpak na operasyon ng MRT-3 at kabiguan niyang lutasin ang mga problema nito.

Pero binara lang sila ni Digong sa kanilang panawagan ng sabihin niya na hindi niya sisibakin si Tugade dahil buo ang tiwala nito sa kalihim.

Alam din ni Digong na ginagawa naman ni Tugade ng maayos ang kaniyang trabaho dangan nga lang at lubhang marami talaga ang kailangang ayusing problema sa MRT-3.

Kaduda-duda rin ang timing ng panawagan nina Alejano para sibakin si Tugade dahil isinabay nila ito sa panahong sinampahan ng kasalukuyang mga namumuno sa DoTr ng kaso sa DoJ ang mga dating opisyales ng Aquino administration.

Kasama sa mga sinampahan ng kaso sina dating DoTC Secretaries Mar Roxas, Joseph Abaya at maging si dating Finance Secretary Cesar Purisima at maraming iba pa.

Kaya naman obvious na ang panawagan nina Alejano na sibakin si Tugade ay para ilihis lamang ang atensyon sa problemang kinasasadlakan ngayon ng mga kakampi ni  dating Pangulong Noynoy Aquino.

Dapat ding matandaan natin na anumang kapalpakan sa operasyon ng MRT-3 ay nagsimula sa dating pamunuan nito na walang ginawa kundi pumasok sa mga kaduda-dudang mga transaksyon at kontrata.

At dahil nga palpak ang mga kontrata noon ay minanang lahat ng kasalukuyang pamunuan ang lahat ng problema na sila ngayon ang gumagawa ng paraan para lutasin. 

Pero dahil kumbaga sa sakit ay masiyadong malala na ang kondisyon kaya hindi ganoon kadali na bigyang lunas at gamutin.

Kaya naman bilib tayo sa desisyon ni Pangulong Digong na suplakin  ang panawagan ni Tugade dahil sa totoo lang ay wala naman talagang kasalanan ang kalihim.

Ganun pa man ay dapat pa ring magdoble-kayod ang mga taga DoTr lalo na ang mga engkargado para ayusin ang operasyon ng MRT-3 partikular si Cesar Chavez na siyang usec for rails.

Sa titulo pa lang ng posisyon niya ay obvious naman na siya talaga dapat ang umayos sa mga gusot na nangyayari ngayon sa MRT-3.

Sa huling mga kaganapan ay tuluyan na ngang nagbitiw si Chavez sa kanyang tungkulin matapos siyang maghain ng irrevocable resignation. Ikinatuwiran niya ang  delicadeza dahil hindi aniya niya nagampanan ang trabahong iniatang sa kanya.

 

Sa kabila ng pangyayaring ito, isa lang ang sigurado, tiwala si Pangulong Digong kay Sec. Tugade dahil ginagawa niya nang maayos ang trabaho niya at iyon ang importante sa lahat.  

 

Like us in Facebook

Features

Latest News

UBS named top global equity research firm for 2017

  By Rose de la Cruz   Swiss-based UBS has been named the institutional investor’s top global equity research firm for 2017 based on a survey... Read More...
November inflation eases to 3.3%

  By Rose de la Cruz   Headline inflation, year on year, eased slightly to 3.3 percent in November, from 3.5 percent the previous month, in pace... Read More...
Comelec control urged for narco-infested LGUs

  By Francisco Benjamin Garcia   Rep. Bernadette Herrera-Dy, chairman of the committee on public information at the lower house has urged that... Read More...
IMAGE IN THE MIDDLE OF THE STORM

WHILE the modernization of public utility vehicles has always been in the wish list of past administrations, thought of as a solution to the... Read More...
IMAGE All about women and wives and other laughs

All about women and wives I married Miss Right. I just didn’t know her first name was Always. ***** Marriage is a three-ring circus: engagement... Read More...
The reason why God created woman (and other laughs)

The reason why God created woman Man says to God, “God, why did you make woman so beautiful?” God answers, “So you would love her.” “But... Read More...
IMAGE GINHAWA PARA SA MGA MAMAMAYAN

Guhit ni Ed Rompal INIULAT ni Senador Sonny Angara na nagkasundo na ang congressional bicameral conference committee sa limang probisyon na... Read More...
IMAGE MAY TIWALA SI DIGONG KAY TUGADE

SOBRANG halata naman ang birada ng ilang mga taga-oposisyon dahil gusto nilang ibuhos lahat kay Transportation Secretary Arthur Tugade ang sisi sa... Read More...

Our Guests

Today601
Yesterday613
This week1214
This month8192
Total809667

Visitor Info

  • Your IP: 54.227.127.109

Who Is Online

33
Online

Monday, 11 December 2017
© 2016 OpinYon News Magazine Online. All Rights Reserved.

Please publish modules in offcanvas position.