ARAL SA ASEAN SUMMIT

IDINEKLARA ni acting Interior Secretary Catalino Cuy na tagumpay ang ginanap na Asean Summit sa bansa.

Sa paningin ni Cuy ay matagumpay ang nasabing summit dahil sa pangkalahatan ay naging mapayapa ito, lalo pa kung iisipin na katatapos pa lang ng gulo sa Marawi City nang ganapin ito. 

Nagpapakita rin ang pangyayari na malayo na ang nararating natin bilang bansa pagdating sa pangangalaga ng seguridad sa mga bumibisitang foreign dignitaries.

Kunsabagay ay ilang beses na rin napatunayan ng ating mga awtoridad ang kakayanan nila na pangalagaan ang ating mga bisita, katulad na lang noong dumalaw dito si Pope Francis noong 2015 at si Pope John Paul II noong taong 1981 at 1995.

Kaya naman suportado natin ang pahayag ni Secretary Cuy na tagumpay ang nakaraang summit dahil walang malaking kaguluhang nangyari bagamat dumating sa bansa si US President Donald Trump.

Subalit bagama’t masasabing tagumpay ang summit, may mga ilang aral pa rin tayong dapat matutunan sa karanasan nating ito.

Lumalabas kasi na dahil sa sobrang pangangalaga natin sa ating mga bisita ay tila nasasakripisyo ang kapakanan at convenience ng higit na nakararami nating mga kababayan.

Tulad na lang halimbawa sa kaso ng aktres na si Maria Isabel Lopez na inulan ng batikos matapos ipagyabang ang ginawa niyang pagpasok sa traffic lane na eksklusibong nakalaan para sa mga delegado ng Asean Summit.

Bagamat may pagkakamali si Isabel sa ginawa niya ay dapat mag-iwan din ito nang aral sa mga opisyales ng ating pamahalaan partikular ang mga enkargado sa pagplano ng trapiko tulad ng MMDA.

Sa totoo lang ay may mahigit isang taon sila para pagplanuhan kung ano kanilang gagawin pero lumalabas na natulog sila sa pansitan.

Ang resulta ay hinagpis ng ating mga kababayan na naipit sa nangyaring carmagedoon noong dumating ang mga delegado ng Asean Summit.

Ang matindi pa nito habang nagsisiksikan at hindi gumagalaw ang mga sasakyan sa mga pangunahing kalsada tulad ng EDSA ay nakikita naman nila na may mga bakanteng linya na wala naman halos gumagamit.

Maitutulad kasi ang mga motorista sa mga taong uhaw na uhaw pero di makainom kahit alam nilang may katabi silang batis na puedeng makuhanan ng tubig.

Kaya maging aral sana ito sa ating mga awtoridad na hindi lamang ang seguridad ng mga VIP ang kanilang pagtuunan ng pansin kundi ganoon din sana ay ibalanse nila ang kapakanan ng mga ordinaryong mga mamamayan.

 

Like us in Facebook

Features

Latest News

UBS named top global equity research firm for 2017

  By Rose de la Cruz   Swiss-based UBS has been named the institutional investor’s top global equity research firm for 2017 based on a survey... Read More...
November inflation eases to 3.3%

  By Rose de la Cruz   Headline inflation, year on year, eased slightly to 3.3 percent in November, from 3.5 percent the previous month, in pace... Read More...
Comelec control urged for narco-infested LGUs

  By Francisco Benjamin Garcia   Rep. Bernadette Herrera-Dy, chairman of the committee on public information at the lower house has urged that... Read More...
IMAGE IN THE MIDDLE OF THE STORM

WHILE the modernization of public utility vehicles has always been in the wish list of past administrations, thought of as a solution to the... Read More...
IMAGE All about women and wives and other laughs

All about women and wives I married Miss Right. I just didn’t know her first name was Always. ***** Marriage is a three-ring circus: engagement... Read More...
The reason why God created woman (and other laughs)

The reason why God created woman Man says to God, “God, why did you make woman so beautiful?” God answers, “So you would love her.” “But... Read More...
IMAGE GINHAWA PARA SA MGA MAMAMAYAN

Guhit ni Ed Rompal INIULAT ni Senador Sonny Angara na nagkasundo na ang congressional bicameral conference committee sa limang probisyon na... Read More...
IMAGE MAY TIWALA SI DIGONG KAY TUGADE

SOBRANG halata naman ang birada ng ilang mga taga-oposisyon dahil gusto nilang ibuhos lahat kay Transportation Secretary Arthur Tugade ang sisi sa... Read More...

Our Guests

Today605
Yesterday613
This week1218
This month8196
Total809671

Visitor Info

  • Your IP: 54.227.127.109

Who Is Online

31
Online

Monday, 11 December 2017
© 2016 OpinYon News Magazine Online. All Rights Reserved.

Please publish modules in offcanvas position.