DOE,’protektor’ ng giant oil companies– Zarate

GUSTO ni Bayan Muna partylist Rep. Carlos Zarate na imbestigahan ng Department of Energy (DOE) ang mga malalaking kumpanya ng langis dahil sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo  nang oil products nitong nakaraang mga linggo.

Hindi rin niya kinakagat ang madalas na katuwiran ng mga opisyal ng DOE na wala silang kakayahang imbestigahan ang paggalaw ng presyo ng langis.

Sinabi ni Zarate na sadyang ayaw lang kumilos ng mga taga DOE sapagkat sa totoo lang ay protektado ng ilan sa kanila ang mga giant oil firms.

Ikinatuwuiran ng kongresista na may magagawa umano ang DOE kung gusto nila para pigilan ang sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo ayon sa Section 12 at 15 ng Oil Deregulation Act (Republic Act 8749).

Batay sa naturang batas ay maaaring hingin at imbestigahan ng DOE ang datos ng mga kumpanya ng langis tungkol sa tunay na presyo ng mga produktong petrolyo.

Ngunit wala umanong ginagawa ang DOE upang maibsan ang paghihirap ng mga mamamayan sa mataas na presyo ng mga produktong petrolyo at sa halip ay tila nagiging “spokesperson” pa nang mga malalaking kumpanya ng langis, ayon sa kongresista.

Sinabi pa niya na kung pagbabatayan umano ang datos na isinumite ng DOE ay mas mataas ang presyo ng langis sa bansa ng P13 kada litro keysa sa dapat na totoong presyo nito.

Dahil dito ay nananawagan ang kongresista sa mga kumpanya ng langis na kaagad nang isumite sa House Committee on Energy ang kanilang pinanghahawakang datos upang malaman ang tunay na presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa. 

 

Like us in Facebook

facebook like box joomla

Features

Latest News

IMAGE Spreading growth outside metropolis will reduce traffic

  By Rose de la Cruz  The National Spatial Strategy, spelled out under the Philippine Development Plan 2017-2022, is designed to spread development... Read More...
BSP gives lower risk weight for MSMEs

  By Rose de la Cruz   To ensure the growth of micro small and medium enterprises (MSMEs), the Bangko Sentral ng Pilipinas, through its... Read More...
Comelec control urged for narco-infested LGUs

  By Francisco Benjamin Garcia   Rep. Bernadette Herrera-Dy, chairman of the committee on public information at the lower house has urged that... Read More...
IMAGE IN THE MIDDLE OF THE STORM

WHILE the modernization of public utility vehicles has always been in the wish list of past administrations, thought of as a solution to the... Read More...
The reason why God created woman (and other laughs)

The reason why God created woman Man says to God, “God, why did you make woman so beautiful?” God answers, “So you would love her.” “But... Read More...
R18: The Difference Between a Man and a Woman and Others

The difference between a man and a woman A COUPLE was told to individually write a sentence usingthe words “love” and sex.” The woman wrote:... Read More...
IMAGE ARAL SA ASEAN SUMMIT

IDINEKLARA ni acting Interior Secretary Catalino Cuy na tagumpay ang ginanap na Asean Summit sa bansa. Sa paningin ni Cuy ay matagumpay ang nasabing... Read More...
IMAGE A STEP IN THE RIGHT DIRECTION

Editorial cartoon by Ed Rompal NEWLY minted Bureau of Customs Commissioner Isidro Lapeña is doing a great job.  What his predecessors had failed to... Read More...

Our Guests

Today261
Yesterday929
This week2866
This month17620
Total793226

Visitor Info

  • Your IP: 54.80.169.119

Who Is Online

22
Online

Wednesday, 22 November 2017
© 2016 OpinYon News Magazine Online. All Rights Reserved.

Please publish modules in offcanvas position.