Daily travel allowance ng gov’t employees, itataas

Larawan mula sa CNN Philippines

GOOD news para sa mga kawani ng pamahalaan!

Isang resolusyon ang inaprubahan kamakailan sa Kongreso na naglalayong taasan ang daily allowance ng mga state employee.

Inilabas ng House Committee on Appropriations na pinamumunuan ni Rep. Karlo Alexei Nograles ang Resolution No. 243 na humihiling kay Pangulong Rodrigo Duterte na magpalabas na ng executive order upang taasan ang daily travel allowance ng mga government employees mula sa kasalukuyang P800 hanggang P2,000.

Noong 2004 pa huling nagpatupad ng adjustment sa daily allowance ng mga kawani ng pamahalaan, ayon kay partylist representative Eugene Michael de Vera.

Hindi na umano ito sapat lalo na sa mga nadedestino sa mga malalayong lugar dahil sa epekto ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, ayon pa sa kongresista.

“Wala silang pera para dun, ang mahal na ng lodging, pagkain P240 ang allowance, bale P80 per meal. And then P400 for accommodation, wala na pong ganun. I think P2,000 is fair enough although maliit pa rin, tapos pag nadagdagan yan mas maganda,” ani De Vera. 

Mas madali umanong magagampanan ng mga  karaniwang empleyado ng pamahalaan ang kani-kanilang mga mandato kung mabibigyan sila ng sapat na pondo para sa kanilang mga daily expenses, ayon pa sa kongresista.

Like us in Facebook

facebook like box joomla

Features

Latest News

NEDA’s Tungpalan gets JICA president award

  By Rose de la Cruz   Undersecretary for Investment Programming Rolando G. Tungpalan of the National Economic and Development Authority (NEDA) was... Read More...
2019 budget pegged at P3.4 trillion

By Rose de la Cruz     After last week’s release of the Budget Call for 2019 under National Budget Memorandum No. 129, representatives from... Read More...
Comelec control urged for narco-infested LGUs

  By Francisco Benjamin Garcia   Rep. Bernadette Herrera-Dy, chairman of the committee on public information at the lower house has urged that... Read More...
IMAGE IN THE MIDDLE OF THE STORM

WHILE the modernization of public utility vehicles has always been in the wish list of past administrations, thought of as a solution to the... Read More...
IMAGE Honest Hubby and Other Laughs

Honest Hubby?THERE was this old lady who was caught shoplifting. On court day her husband accompanied her as she faced the judge. "Why did you... Read More...
IMAGE All about women and wives and other laughs

All about women and wives I married Miss Right. I just didn’t know her first name was Always. ***** Marriage is a three-ring circus: engagement... Read More...
IMAGE TAMANG DESISYON

TULUYAN nang tinuldukan ni Presidente Rodrigo Duterte ang anumang pagtatangka ng ibang mga grupo at sektor na buhaying muli ang usapang... Read More...
IMAGE GINHAWA PARA SA MGA MAMAMAYAN

Guhit ni Ed Rompal INIULAT ni Senador Sonny Angara na nagkasundo na ang congressional bicameral conference committee sa limang probisyon na... Read More...

Our Guests

Today357
Yesterday861
This week6171
This month17267
Total842214

Visitor Info

  • Your IP: 54.234.65.78

Who Is Online

29
Online

Saturday, 20 January 2018
© 2016 OpinYon News Magazine Online. All Rights Reserved.

Please publish modules in offcanvas position.